Chapter 3: Hindi Lang Ikaw...

4 2 1
                                    

Napaka-hirap man tanggapin, may mg bagay na kailangan natin iwanan sa kahapon. Kalimutan at huwag ng dalhin sa kinabukasan.

Si franz, ito ay patuloy pa din umi-iyak at patuloy na humihingi ng tulong mula kay veronica.

Veronica: Alam ko naman yun at halata sa kilos at mukha mo. Kilala ka na namin, bawat ngiti mo may iba't ibang ibig sabihin yan. Ang ngiti mo kanina, ay para lang itago ang kinikimkim mong hirap at sakit na patuloy na nakakulong sa puso mo.

Franz: Alam mo, buti pa kayo naiintindihan niyo ako. Pero ako, mismo sa oras na ito. Hindi ko na alam kung ako pa din ba ito. O, nagbago na ako. Dahil sa letse na pag-ibig na ito.

Veronica: Ikaw pa din yan. Walang magbabago. Ang nagiging harang lang sa iyong isipan at puso at para maintindihan ang mga bagay ay ang hindi mo pa matanggap na walang kayo at hindi na magiging kayo.

Franz POV

Tama nga siguro, si veronica. Buti pa ang mga taong nakapalibot sa akin ay alam pa nila ang mga dapat at hindi dapat kong gawin.

Simula nung nangyari yung sa coffee shop, hindi na ako nakapag-isip ng mabuti at matino.

Ako gusto ko siyang bitawan pero ang sigaw ng isip ko at puso ko huwag. Ayaw nila. Ang mga sakit pilit ko ng inaalis pero lahat ng ito ay bumabalik ng hindi inaasahan.

Sadyang ang mga bagay ay napaka-hirap intindihin. Ito na nga siguro yung sinasabi nilang "Life Is Too Ironic to be fully understand."

Ang hirap pala malagay sa ganitong sitwasyon. Reality is totally the opposite of fantasy and imagination. Dahil dito mararamdaman mong mabuhay at masaktan.

Pero paminsan ang sakit sobra sobra sa kaya mong tanggapin bilang isang tao. Na nagbibigay rason para sumuko na lang sa isang bagay.

Sadya bang komplikado ang lahat o tayo mismo ang nagbibigay rason kung bakit hindi natin makita ang mga bagay dito sa mundo bilang simple lamang.

Napaka-totoo talaga nung mga sinasabi ng mga nakakatanda, bilog ang bola, pati ang mundo bilog din.

Kahit gaano mo planuhin, kahit gaano mo balakin na maging perpekto ang isang bagay may isang parte pa rin nito na magpapabagsak dito, magpapahina dito o makakasira nito.

Hindi natin masasabi kung ano ang mga susunod na mangyayari. That is why, kailangan na natin gawin ang mga bagay na gusto nating gawin, unless there is no people being abused, para sa huli there will be no regrets.

Pero,

Ginawa ko naman ang lahat ng gusto ko. Nagtapat ako sa kanya. Pero bakit ganun ngayon nagsilabasan ang lahat ng regrets ko.

Bakit ngayon ako nagsisisi sa mga bagay na napag-desisyunan ko na. Sa mga bagay na mga nangyari na.

Saan ako nagkamali. Bakit ganito.

Napaka-daming katanungan ang gusto kong masagot.

Napaka-dami.

End Of Franz POV

Franz: Veronica Salamat ah. Pasok ka na ulit dun. Okay na ako. Salamat.

Veronica: Sure ka?

Franz: Oo.

Veronica: Sige basta pag kailangan mo ng kasama andito lang kami ah.

The ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon