Chapter 4: Hiling

14 2 0
                                    

Franz POV

Ako, patuloy na lumalakad ngunit hindi alam kung saan patungo. Basta ang patuloy lang na tumatakbo sa aking isipan ay mapalayo sa kanilang kinaroroonan.

Medyo lumuwag na din ang paghinga ko. Parang nawala na yung napaka-bigat na dala-dala ko.

Malaki din talaga ang tulong kapag may kaibigab kang totoo. Yung maa-asahan sa mga bagay bagay.

Ako naniniwala ako, kapag ang dalawang tao para sa isa't isa talaga, ang pag-ibig siya ang hahanap ng paraan para sila ay makapagtagpo.

Totoo din yung sinabi nila, na ang pag-ibig parang bulaklak yan, hindi naman habang buhay matingkad ang kulay nito.

Pagpinabayaan mo, hindi mo pinansin sa una, hindi mo binigyan ng tamang paraan para alagaan.

Darating yung araw, na mamatay yung bulaklak na yun. Parang pag-ibig ko sayo, unti-unti hindi mo napapansin, nawawala na at namamatay na paunti-unti.

Tapos bigla mo babalikan kung kailan huli na. Dun mo bibigyan ng panahon kung kailan wala na. Dun mo bibigyan halaga kung kailan wala ng oras.

Ayan yung problema sa atin, kung kailan sila wala hinahanap-hanap natin. Kapag andyan naman dedma naman ang ginagawa.

End Of Franz POV

Patuloy lang na naglalakad si Franz, ang bagay na bumabagabag sa kanya ngayon ay siya din ang problema niya kahapon.

Iisa lang naman ang kanyang kagustuhan. Hanggang ngayon ay hindi pa din ito mapasakanya.

Samantala, ang mga tao sa k-hub..

Gail: Tama na muna yan, kain muna tayo.

Jenny Rose: Sige. Tara.

Kressa: Let's Go...

Melissa: Naubos na ata nila kaycee eh. Hehe

Kaycee: Grabi siya oh. Haha

Princess: Tara na gutom na din ako.

Judy Ann: Si Franz, Asan?

Jennielyn: Oo nga no? Sino nakakita sa kanya?

John: Malamang wala, andito tayong lahat eh.

Shaira: Saan naman kaya siya pupunta?

Shaira POV

Ngayon, hinahanap na ng lahat si franz. Ikaw lalake, asan ka na ba?

Nararamdaman ko umi-iwas na siya eh. Pero hanggang kailan kami magkaka-ganito. Hindi kami magkakaroon ng closure kapag palaging ganito.

Ang hiling ko lang mawala na yung sama ng loob naman sa bawat isa. Kalimutan na ang nakalipas at magkaroon ng bagong simula kasama ka bilang kaibigan, at hindi isang kaaway.

Napamahal ka na din sa akin. Kung alam mo lang, ayaw kitang iwanan kaso ikaw itong patuloy na lumalayo sa akin.

Hanggang kailan tayo ganito?

The ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon