bago po ang lahat! super thanks po sa nag like nag vote nag fan! Super happy ko pa nung nagbukas ako ng wattpad account ko!! I LOVE YOU ALL!
Salamat sa mga readers!!
=)
At kay ate Denny, salamat po sa pag promote! =)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[Sam's POV]
I'm your biggest fan, I'll follow you until you love me.. MAMA PARA TAXI!!!! naalala ko tuloy bigla yung knock knock joke ni Hayley
"MISS!!! MISS!!! PWEDE KA BANG MAINTERVIEW!!"
"MISS ANO ANG RELASYON NIYO NI AIAN?!"
"MISS KELAN PA KAYO NAG DATE??"
ANG DAMI NILANG TANONG!!
WAAA!! ANONG GULO BA ITONG NAPASOK KO?! GRABE NAMAN SILA MAKAPAGTANONG!!
Nahihilo na ako! Nasaan na ba si Aian?? AY oo nga pala.. T_T
[Flashback]
"Saan ba tayo pupunta?" ayeee I'm so na-iistarstruck pa din!
"Ako may pupuntahan, ikaw hindi ko alam kung saan."
"Eh saan ka ba pupunta?"
"Sa puso mo." mukhang puso tong lalaki na to!
Nag-blush ako! ENEBENEMEN?! "Hieeee!!" siyempre nahihiya pa din ako! Kahit siya kaharap ko!
"Bakit ayaw mo?" nag puppy dog eyes. Pumunta siya sa isang sulok, tapos dumukmo siya. Grabe to parang batang inagawan ng candy. "Oo nga pala kay Lance ka na. Sige na, panggulo lang naman ako sa love story mo eh. Sige uwi ka na dito na lang ako. Iwanan mo na ako. "
"Emote mo, wag ka ng mag-singer, mag artista ka na lang." wahahah pero ang cute niya, ang kulit kulit. "Bahala ka na diyan iiwanan kita." Haba ng hair ko no? Superstar yun tapos iiwanan ko!
"Uy wait lang." tumayo na siya. "Sige na nga kahit nagseselos ako kay Lance."
"Wow ayos ka din noh?"
"Ganun talaga. Tara na." pinuntahan na namin yung kotse niya..
----------------------------------------
Nagpunta kami sa isang mall, tapos pinuntahan namin yung Penshoppe, ayun kasi yung nagiisponsor sa kanya. Pili ko daw siya ng damit na isusuot niya para sa isang live performance. Ako naman nakatingin lang sa kanya. Kaso may hindi kanais nais na sound kaming narinig.
"AHH!! AIAN!! MY LOVE!!"
"AIAN! PAKASALAN MO NA AKO! MAY DALA NA AKONG WEDDING RING!"
"AIAN! SING A SONG FOR US!"
bwahahah akala niyo ba malala na yang mga yan? Mas malala ako sa mga yan pag may mall show si Lance. Sumasampa ako sa stage at hinaharass ko si Lance.
Pagtingin namin sa labas grabe ang dami ng tao, sinara tuloy nung employee yung pinto, baka kasi magkagulo.
"Hala Aian paano tayo lalabas?"
BINABASA MO ANG
Behind the Scenes (Completed)
RomantikSi Sam ay isang super obsessed na fan ng superstar na si Lance. Kaso hindi binigo siya.. Pero andiyan naman si Aian na savior niya.. (Si Aian na laging kinukuyog ngfans..) Discover Sam's misadventures sa mas pinagulong mundo ng mga stars, ang mundo...