Act 4.2

9.7K 122 9
                                    

wooo eto na yung kasunod..

BTW.. madami palang napagkamalan akong girl na writer..hehehehe

Boy po ako.. isang tunay na lalake.. =)

________________________________________________________________________________

[Aian's POV]

"Aian.." sino yung tumatawag sa akin?

"Aian.." eh nakatulog pala ako..

"Aian.." ididilat ko na ba mata ko? Ayoko pa eh..

"Coleen ikaw ba yan? Susunduin mo na ba ako?"

"Tol gising na.. Nananaginip ka ba?" dinilat ko na mata ko..

"Lance..?" umupo ako galing sa pagkakahiga. Bakit naman si Coleen naisip ko? Eh ang laki ng boses ni Lance.

"I figured that I would find you here."

"Umaano ka dito sa sementeryo?"

"Pinapahanap ka sa akin ng manager mo.. Naglaho ka daw kasi bigla. Nag woworry siya baka na-kidnap ka ng isa sa mga fans mo tapos ginawa kang display sa bahay."

"Ah.."

Then the silence came....

"It's been a year right?" Tanong sa akin ni Lance.

"Oo, it's been a year.." dumukmo ako.

Hindi na nagsalita si Lance.

Gusto niyo bang malaman ang story namin ni Coleen?

Saka na lang..^___^

"Sino nga pala yung girl na kasama mo sa NEWS?"

"Ah ayun? Si Sam yun.. Crush ko, kaso sa'yo patay na patay eh.." T_T

"Weh?"

"Oo nga.."

"Pumasa nga siya doon sa first screening ng contest eh yung Dream Date."

"Woah, talaga?"

"Pre.. Mukhang hindi ko matutupad ang promise ko kay Coleen."

"Bakit?"

"Pare na love at first sight ata ako doon kay Sam."

"I'm sure Coleen will be happy for you.. So don't hold back your feelings."

"Ha.. maybe you're right." tumayo na ako.. "Tara na.."

Bye Coleen.. dalawin kita sa susunod..

.................................

Tahimik kaming naglakad ni Lance. Buti pa sa sementeryo nakakapag-lakad kami ng ayos.

"So who's the lucky girl?"

"Si Sam nga, kulit naman. Ang cute niya kamu, papakilala ko siya sa'yo minsan."

"Oh sige, pag hindi na busy ang scheds ko."

"Kaso may problema."

"Ano?"

"Ang alam ko lang eh yung pangalan niya." 

"Ay ganun? Pero magka-holding hands kayong tumatakbo sa mall, tapos niyakap mo pa siya."

"Pinoprotektahan ko lang siya, baka kasi masaktan eh."

"Sabagay ganyan ka din kay Coleen dati." maka-Coleen to wagas! Tama na nadedepress lang ako lalo!! T_T

"Ayaw ko na kasing ma-ulit yung nangyari dati...... Kung magiging kami hindi ko siya hahayaang mawala.." Ayun na lang ang nasabi ko kay Lance.

____________________________________________________________________________

[Lance' POV]

Kawawa naman itong pinsan ko..

Parang kapatid na kasi ang turing ko kay Aian. Sabay kaming lumaki, tapos magkalapit pa mga bahay namin. Halos sabay din kaming sumikat, kaso ako sa acting, si Aian sa singing. Actually, ganito yun. Pareho kasi kaming namomroblema sa pera eh, dahil sa college na iyan. Ayun may nakakita sa aming talent scout, sabi niya kikita daw kami doon, nagtry kami.

Luck is on our side. After three months. Nagkaroon ako ng TV series na romance, tapos sumikat yung show, ka love team ko doon si Joanne. Si Aian naman hindi niya na feel ang pag acting.

Ang kinahinatnan naman ni Aian eh ang music industry. Nadiscover siya nung isang manager ng isang record company, noong pinkanta kami sa workshop. Ang galing kasi kumanta ni Aian eh. Tapos nag sign siya ng contract dun sa record company. After niyang magrecord na  album, nag release siya ng single, yung "First Dance,  Last Chance." eh ang ganda nung kanta, nakilala siya. Sumikat siya ng tuluyan.

Anyway tama na sa past...

Sana talaga si Sam na ang maging daan para makapag-move on si Aian kay Coleen. Masyado na siyang nagdusa.

Si Aian.. Masayahin lang yan sa panlabas.. Pero sa totoo lang maraming hinanakit sa mundo yan.. Madalas nga umiyak yan dahil kay Coleen eh. Lalo na pag nagpeperform siya tapos kakantahin niya yung song na about kay Coleen.

Gagawin ko ang lahat para magkatuluyan silang dalawa. Para hindi na maging malungkot ang pinsan ko.

Gusto ko sanang ikwento sa inyo ang nangyari pero siya dapat ang magkwento.. =P

Basta paglalapitin ko silang dalawa..

Gagawin ko yun...

[to be continued]

______________________________________________________________________________

Super short update nanaman.. pasenya na po..

Not in good condition po ako eh.. hehe

Thanks po sa pag vote comment like at sa pag fan!! Abot langit ang aking pasasalamat!! :DDDDD

Behind the Scenes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon