Act 15.2 (End of Sequence 3)

6.8K 64 7
                                    

May typo nga pala dun sa act 15.. yung 9 AM naging 9 PM heheeh pasensya na po..

Wow parepareho kayo ng hinala ^____^ tama kaya? Tignan ntn hahahah ^____^

Ito na ang last act for Sequence 3.. Then Sequence 4 naaaaa!!! So excited na ako!!

May teaser sa pinaka baba..

_______________________________________________________________________________

[Sam's POV]

7:00 AM

Maaga pasok namin ngayon..

Wow what a beautiful day! Good vibes ako ngayong araw!!! Papasok na ako ng school nasa may tapat na ako ng gate.. Nothing can go wrong today feeling ko..

Naglakad na ako ngayon papunta sa College of Accountancy main building.. Napansin kong may mga girls na tumitingin sa akin tapos nagbubulungan sila.. Bakit kaya? Well nevermind. I don't care, dahil masaya ako.. Maya maya may lumapit sa akin.. Naaalala niyo ba si Hayley? Yung bestfriend ko.. Lumapit siya sa akin.. "Best.." niyakap lang ako anong meron?, "Ayos lang yan.. Nandito lang ako, kaming mga friends mo.." HA?! WHAT THE HECK IS HAPPENING?!

"Ano? Hayley bakit?? Ano ang meron?" tinanggal niya yung pagkakayakap niya sa akin..

"Ha?! Hindi mo pa ba alam?! Halika.." hinatak niya ako papunta sa canteen.. Teka ano ba ang nangyayari? Pumunta kami doon sa may newspaper stand, (sosyal ng canteen namin no may newspaper ek ek pang nalalaman! Para daw sa mga teacher yan..) kumuha ng isang broadsheet si Hayley tapos binuklat buklat niya.. Tapos napahinto siya sa isang page.. Napatingin siya sa akin tapos unti unti niyang hinarap sa akin yung paper.. (O_____O) OHEMGEE...

Si Aian...

At si Cassidy..

Nagkiss.. hinablot ko yung newspaper.. Baka naman may special performance lang sila, parang yung Wazak Love Story ni Julie Ann at Elmo, yung parang ganun lang siguro kaya may picture na nagkiss.. Pero nung binasa ko yung article.. "Aian and Cassidy, caught kissing in a bar.." Naluha nalang ako.. Nabitawan ko yung newspaper.. "I'm sorry Sam.." sabi sa akin ni Hayley.

Lumapit nalang ako sa counter.. "Ate pabili nga nung clover, saka nung wafer, pati na rin yung moby, saka yung nova, pati yung lays, saka ayun yung cream-o deluxe, saka isang lemon square cheesecake.. Tapos isang litrong c2.. Diba may ganun dito.." TT___TT nadedepress ako..

Hindi na ako papasok ng first subject, kakain nalang ako.. Binigay na nung tindera yung mga binili ko.. Nagbayad na din ako.. Umupo ako sa table na malapit, sunod naman si Hayley.

"Best ayos ka lang ba?"

"Mukha ba akong ayos?" sabay sumpal ko nung cheesecake sa bibig ko..

"Uy best baka mabulunan ka!" ayan nabulunan na nga ako.. sabay bukas ko nung c2 tapos lagok. .Ayan nahimasamasan na ko..

Behind the Scenes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon