Kevin Point of View
Nandito kami sa field ngayon naglalaro ng soccer kasama ang mga ka-team ko. At di ko naman alam kung nasaan yung tatlo kong kaibigan
Si Mark siguro kasama si Angel at si Isaac naman si Sara, si Simon malay ko dun baka natutulog nanaman kung saan
Pagkatapos namin mag-practice nahiga ako dito sa ilalim ng puno. Nakakapagod kasi ang practice namin.
Paidlip na sana ako ng may kung ano ang tumama sakin. Pagkadilat ko nakita ko yung bola ng Volleyball
Kaya hinanap ko kung sino ang nakatama sakin
"Sorry" napatingin ako sa gilid ko ng may nagsalita dun
"Ikaw ba ang nakatama nito?" tanong ko dun sa babae
"Oo, pasensya na ha?" hingi nya ng paumanhin sabay yuko
"Bakit ba sa field ka naglalaro?" tanong ko sa kanya
"Andun kasi sila Captain sa Gym" sagot nya naman sabay kuha ng bolang hawak ko
"E ano naman?" tanong ko sa kanya. Ang weird lang kasi player rin naman siya diba
"Di nila ko pinapabayaan maglaro pag nandun sila" sabi nya sabay umalis na sa harap ko. Hahabulin ko sana sya kasi nawala na sa paningin ko e
Weird.
Tamaki Point of View
Grabe ang gwapo naman nung strangers na yun, pero mukhang playboy e. Kung titignan mo kasi sya may hikaw sa tenga at mukha di napapagod, siguro dahil yung mga babae nya na ang gumagawa ng lahat
Aish ano ba tong iniisip mo Tamaki? Kailangan mong isipin kung pano ka tatanggapin ng mga ka-team mong mga bruha at di yung lalakeng iyon
"Pwede na ba kong sumali sa practice?" tanong ko kay Lira
"No" madiin nyang sagot sakin
"Pero bakit?" tanong ko sa kanya
"Wala lang trip ko lang" sabi nya ng nakangisi
"Trip mo lang? Trip mo lang na pagurin ako? Trip mo lang na ibabad ako sa araw?" sunod-sunod kong sabi sa kanya
"Yes" sagot nya parin ng nakangiti
"Kung ibato ko sayo lahat ng klase ng bola at sabihin ko sayong trip ko lang din. Magagalit ka?" nagulat kami ng biglang may nagsalita sa labas ng Gym, pero ang ikinagulat ko yung lalaki sa ilalim ng puno yun
"K-Kevin" nauutal na sabi ni Lira habang nakatingin sa pinto. So Kevin pala ang pangalan nya
"Yes I am" sabi nya parin ng nakangisi habang may hawak ng bola ng soccer
"A-Anong ginagawa mo dito?" nauutal paring tanong ni Lira kay Kevin
"Wala lang trip ko lang" nakangisi nyang sagot
"Hey ikaw" sabi nya sabay turo sakin
"B-Bakit?" di ko alam pero kinakabahan rin ako
"Pumasok ka na" sabi nya sakin
"Huh?" naguguluhan kong sabi
"mag-Practice ka na" sabi nya pero ano daw?
"But--"
"No but's mag-practice ka na" sasagot pa sana ko pero pinutol nya ang sasabihinko. Kaya sinunod ko na rin sya
Ilang linggo na simula na nung makilala at ipagtanggol ako ni Kevin. Pero pagkatapos nya kong ipagtanggol di ko na siya nakikita.
Oh crap that
Nakikita ko siya kaso may iba't iba syang kasamang babae. Pero ang ipinagtataka ko tuwing nakikita ko siyang may kasamang ibang babae nasasaktan ako
Katulad na lang ngayon. Nandito ako sa field at nanunuod ng naglalandian
"Assumera ka kasi" nagulat ako ng may bumulong sa tenga ko kay tinignan ko. And it' s Lira ano pa bang bago?
"Ano sinasabi mo?" painosente kong tanong. Yep painosente dahil alam ko kung ano ang binabanggit nya
"Whatever" sagot nya sabay alis sa harap ko
Tinignan ko ulit si Kevin kasama ang mga babae nya at may narealize ako
'I Like Him'
Di ko alam kung pano o bakit? Basta ang alam ko gusto ko na siya. Umalis na ko dun sa field kasi baka di ako makapag-timpi makalbo ko yung mga babae nya
Nandito ako ngayon sa Gym at nagbabasketball. Yep nag babasketball ako pampatanggal stress, dahil may narealize na naman ako
I don't like Him, because I love Him
Yeah I love him, di ko alam kung kailan ko toh natuklasan basta pagkagising ko na lang isang umaga Mahal ko na siya
"Bakit ikaw pa ang minahal ko?" nasabi ko na lang sa sarili ko
"Sinong mahal mo?" nagulat ako ng may bumulong sakin at pagkatingin ko si Kevin
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya
"Wala lang" sagot nya "Sino ulit yung mahal mo?" tanong nya sakin. Huminga muna ako ng malalim at sinagot sya
"Ikaw" sagot ko sa kanya sabay shoot ng bola ng basketball
"What?" tanong nya sakin na para bang gusto nya malinaw ang sabi ko
"Sabi ko ikaw" ulit ko sa kanya
"Ang ano?" tanong nya sakin
"Ang mahal ko" sagot ko. Pero ishoo-shoot ko sana yung bola ng bigla nyang hinila ang braso ko at hinarap sa kanya
"Mahal rin kita" nagulat ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Pero di pa ko nakaka-recover sa pagkagulat bigla nya kong hinalikan
"I love you" sabi nya sakin habang nakadikit parin ang mga noo namin
"I love you too" sagot at hinalikan nya ko ulit
What if I'm not hit him a 'ball' magkakakilala kaya kami, mahahalikan ko kaya sya ng ganto o mahahawakan? Pero thanks to that 'ball' dahil nakilala at minahal ko ang lalaki nato