Psyche Point of View
"Psyche may nagpapapabigay sayo" abot sakin ng kaklase ko ng libro. Nang kunin ko sa kaklase ko ang libro may nakadikit dito na Sticky Notes kaya tinignan ko
'You're beautiful today'
-CS
Ha? Sino naman kaya tong CS natoh? Atsyaka anong beautiful? Ibig sabihin nakikita nya ko?
"Kung sasagutam mo raw yan iwan mo na lang sa table sa Gym" sabi ng kaklase ko na hindi pa pala umaalis
"Osige na" mataray kong sabi sa kanya. Tinignan ko yung sticky notes, hindi ko alam kung sasagutin ko ba yung notes hindi ko naman kasi kilala yung nagbigay nito e
'Ayan na si Cupid'
'Ang hot nya'
'Sana akin na lang siya'Nang marinig ko ang pangalan ng pinag-uusapan ng mga babae, biglang nag-init yung ulo ko, kasi I'm sure na aasarin nya na naman ako.
"Hello, Witch" ng marinig ko ang tinawag nya sakin lalong nag-init ang ulo ko. Humarap naman ako sa kanya at binigyan sya ng pekeng ngiti
"Oh? Hi Monster" balik kong bati sa kanya, nakita ko naman ang pagkawala ng mapang-asar na ngiti. Pikon talaga toh kahit kailan
"Magaling ka talagang mambara" nakangising sabi nya sakin
"At ang galing mo talagang manira ng araw" ganti kong sabi sa kanya, habang nakangisi
"Tss" narinig kong bulalas nya
"Pikon" bulong ko sa sarili ko, pero mukhang may sa demonyo ata yung tenga nya at narinig pa ang sinabi ko
"Sinong pikon?" niinis nyang tanong. Ang pikon nya talaga
"Wala" sabi ko sabay talikod. Nakakasira talaga ng araw yung bwisist na yun, akala mo naman kung sino
"Hello Psyche" nagulat ako ng may nagsalita sa gilid ko, si Kathy lang pala
"Asan ang dalawang maland-ing nagliligawan?" tanong ko sa kanya, pero ngumuso lang sya sa likod namin at nakita ko si Paulo at Joan na naglaland-ian. Seriously? Nagliligawan pa lang ba talaga sila?
"Ang land-i talaga nila" bulalas ko at nagpatuloy na sa paglalakad
"Agree ako dyan girl" pag-sang-ayon sakin ni Kathy. Ng makapasok kami ng canteen, ang gulo, ang ingay, pero hindi naman mabaho dahil alam nyo na sosyal ang mga estudyante rito
"Saan tayo uupo? Mukhang puno pa naman" narinig kong tanong ni Kathy kay Joan na mukhang na-mo-mroblema rin kung saan kami uupo
"Ayun oh, sa lamesa ni Cupid sya lang mag-isa sa lamesa nya" turo ni Paulo kung saan tahimik na naka-upo si Cupid
"Tara" aya ni Joan sabay lakad papunta sa upuan ni Cupid, at wala naman akong choice kung hindi sumunod
"Ah-Ahh" hindi ko alam pero di nila masabi kay Cupid na makikia-upo kami. Mga abno ata
"Hoy, Monster. Uupo kami ah?" sabi ko sa kanya sabay upo "Ano pang hinihintay nyo ma-upo na kayo" sabi ko sa mga kasama ko, na-upo naman sila
"Hoy, baka sigawan tayo nyan, hindi pa naman kasi sya pumapayag e." bulong sakin ni Kathy, pero di ko siya pinansin at tumingin lang kay Paulo
"Hoy, bumili ka na ng pagkain namin" utos ko kay Paulo, tumayo naman siya at pumunta sa Counter
Habang tahimik naming hinihintay si Paulo, bigla namang nagsalita ang bwisit na lalaki sa buong Danger High