One Shot 9: Bike

7 0 0
                                    

Joan Point of View

Nandito ako ngayon sa Park nagba-bike mag-isa. Si Ate Jasmine kasi may date na naman kasama si Kuya James, yan tuloy mag-isa akong nagba-bike

"Arayy" may nakabanggaan ako kaya natumba rin ako. Kami pa lang dalawa

"Ouch my unckle. It's hurt." nasabi ko na lang yun, dahil sa sobrang sakit

"Miss sorry." sabi nya at tinulungan nya kong tumayo. Inalalayan nya ko para maka-upo sa bench na nandun sa Park

"Sorry talaga" hingi nya ng tawad sakin, habang hinihilot nya yung paa ko

"Ok lang." simple kong sagot sa kanya

"Akin na gamutin ko yung unckle mo" sabi nya sabay kuha dun sa paa ko at inumpisahan nya ng hilutin

"Salamat" sabi ko ng nakangiti. Nung tumingin sya sakin syaka ko lang napansin na ang gwapo nya pala. Crush ko na siguro sya

"Pau bat ba ang bagal mo?" nagulat ako ng may humintong isa pang-bike sa harap namin at kinausap yung lalaking naka-bangga sakin

"Sorry na. May nabangga kasi akong babae kaya tinulungan ko" sagot nya dun sa babae

"Dapat nag-text ka nag-alala kaya ako" pangaral sa kanya nung babae. Girlfriend nya siguro

"Kaya mahal na mahal kita e, kasi di mo ko matitiis e" paglalambing nya dun sa babae. Girlfriend nya nga mahal nya e.

"Yuck! Anong mahal di tayo talo noh" parang nadidiri pang sabi nung babae, at nag-umpisa na kong malito

"Insan naman alam kong mahal mo ko huwag ka ng magkaila" pang-aasarnya dun sa babae, pero Insan? Pinsan nya lang yung babae? Akala ko girlfriend nya

"Tumigil ka nga. Tara na uwi na tayo" aya nya dun sa lalaki

"Ah wait. Miss una na kami ha?" sabi nya at sumakay na sa bike nya

"Wait. Anong pangalan nyo?" tanong ko sa kanila

"Ahh. I'm Paulo at ito ang maganda kong pinsan si Psyche" pakilala nya sakin

"Ahmm salamat" nakangiti kong sabi sa kanya

"Sige mauna na kami" nakangiti nyang paalam at tuluyan ng umalis. Sumakay naman ako sa bike ko





Nakauwi na ko ng bahay pero di ko makalimutan yung lalaki sa park. Makikita ko pa kaya siya? Baka hindi na, di ko naman kasi siya kilala. Bukod sa alam ko ang pangalan nya

Habang nagfe-facebook ako nakita ko yung picture ni Ate Shane kasama ang bago nyang boyfriend si Kuya Wade.

Teka, ito yung babae sa park ha? Si Pshyce, siya nga toh.

'Caption: With my future sister-in-law =) Chos!'- with Psyche Gomez and Wade Gomez

Di ko alam pero nandito na pala ako sa Timeline ni Psyche at tinitignan ang list friends nya, in-add ko narin sya

-pop- -pop-

Biglang nag-pop yung facebook ko ng dalawang beses in-accept nya na pala ko at may bago syang post na picture. Dahil curious ako tinignan ko

'Caption: At park with my Handsome Cousin =)' - with Paulo Gomez

23 likes at 3 comments

Tinignan ko naman yung comment, dahil curious nga akong tao. Kahit tanong nyo man sa Ate ko

'Paulo Gomez: the one and only =)'

'Wade Gomez: ang yabang'

'Paulo Gomez: totoo naman ha?'

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon