One Shot 4: Notebook

20 3 0
                                    

Laura Point of View

Nandito ako ngayon sa puno malapit sa tambayan nila Simon at nagsusulat ulot sa Notebook ko

Actually ang Notebook nato ang may alam ng mga nangyayari sakin, mga hirap na dinadanas ko mula sa step-dad ko

Ang siya rin ang may alam kung sino ang taong mahal at gusto ko makasama habang buhay

"Hey nandito ka na naman?" tanong sakin ni Tamaki. Tamaki is my bestfriend at siya rin ang Girlfriend ni Kevin

"Masarap kasi ang hangin dito" sagot ko sa kanya sabay ngiti

"Masarap ang hangin o masarap ang tanawin?" tanong nya sakin ng nakangisi sabay tingin sa tambayan ng mga kaibigan ng Boyfriend nyang si Kevin

"H-Hindi ah" dipensa ko sa kanya

"Ok sabi mo e" sabay nya sabay ngiti sakin

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot samin ng magsalita sya "Malapit na ang graduation sino a-attend sayo?" sabi saki ni Aki

"Ewan ko" sagot ko sa kanya sabay tingin sa Notebook ko

"Si Daddy na lang kaya an uma-attend sayo at si Mommy naman sakin" suggest nya naman sakin, pero mabilis akong umiling

"Huwag na" sagot ko sa kanya, pero bago pa sya makasagot tumunog na ang Cellphone nya

"Mauna na ko Laura" sabi sakin ni Aki at umalis na

Ilang sandali pa ko tumambay dito dahil gusto kong tapusin ang sinusulat ko sa Notebook ko




Aalis na sana ako ng biglang may tumabi sakin at biglang nahiga dito. At pagkatingin ko si Simon na natutulog

Nang makita kong si Simon nga yun, dali-dali kong niligpit ang gamit ko at tumayo at umalis na




Nakarating ako sa room ng pawis na pawis dahil gusto kong iwasan si Simon. Dahil baka mamaya di ko matiis at mahalikan ko na lang siya. Ay ang lande mo Laura

"Teka may nakalimutan ata ako?" inisip ko kung ano yung nakalimuta ko. Oo nga yung Noteb-----NOTEBOOK KO

Dali-dali ako ulit tumakbo dun sa puno, kasi baka mamaya mapulot ni Simon yung Notebook ko




Pagkarating ko dun wala na dun si Simon at walang bakas ng Notebook ko. Wahh yung Notebook ko. Nakita nya kaya yun? Napulot nya? Naku sana naman hindi




Simon Point of View

Di ko alam sa sarili ko kung bakit hawak-hawak ko ang Notebook ni Laura. I know her, because she's the girl that I love

Yep I love her

Inupisahan kong buksan ang Notebook at ang tumambad sakin ay ang maganda nyang sulat kamay

'Dear Diary, Hindi ang panget Hello Notebook iyan mas maganda na

Alam mo ang gwapo nya talaga, para syang Anghel na bumaba sa lupa. Alam mo sa tuwing nakikita ko siya parang nakakalimutan ko lahat ng problema ko. Lalong lalo na sa step-dad ko. Alam mo dapat ang una kong isusulat sa pahina mo ay puro masasaya, puro tungkol kay Simon, kaya lang gusto kong may paglabasan ng sama ng loob e.

Sinasaktan nya ko, niloloko nya ang Mommy ko marami syang babaeng inuuwi sa bahay na mismo ang Daddy ko ang nagpundar. Binababoy nya ang bahay na pinaghirapan ng Daddy ko. Naiinis ako sa kanya gusto ko siyang patayin.

Pero balik na lang tayo kay Simon. Tulad ng sabi ko kanina ang gwapo nya. Sa tuwing natutulog sya lagi akong lumalapit sa kanya ng palihim at pinapanood sya kung pano sya matulog

Sige bukas na lang ulit Bye Notebook

Love
Laura.'

Ng mabasa ko ang sulat nato parang gusto ko pang basahin ang lahat lao na sa dulo



Ng mabasa ko na silang lahat maliban sa huling pahina napangiti ako kasi guto niya rin ako at puro ako lang ang laman ng Notebook nya

'Hello again and again Notebook

Nandito na naman ako sa tapat ng tambayan nila pinapanood sila. Kasama ko nga pala ang kaibigan kong si Tamaki at ang bruha kong kaibigan may Boyfriend na

Alam mo Notebook may narealize ako di ko lang siya gutsto kundi mahal ko na siya--'

Di tapos ang sulat pero masaya ako sa nabasa ko Mahal nya ko. Nang ilipat ko ang pahina isang pahina na lang ang natitira at wala itong sulat kaya sinulatan ko



Nang makita ko ulit sya sa puno lumapit ako sa kanya at inabot ang Notebook mukhang nagulat naman siya

Pagka-abot ko sa kanya non umalis na ko




Laura Point of View


Nang maabot nya sakin ang Notebook ko dali-dali ko tong bimuksan at nakahinga naman ako ng maluwag dahil walang punit

Itutuloy ko sana ang pagsusulat ko sa pahina na sinusulatan ko kanina mah napansin ako sa huling pahina


Nang buksan ko toh napansin ko na hindi ko sulat kamay ito at alam ko yun, kaya binasa ko

'Hello sa Notebook ni Laura

Alam mo ng mabasa ko ang mga pahina mo natuwa ako. Natuwa ako kasi Mahal ako ni Laura. Pero nung mabasa ko ang iba nyang saloobin parang gusto kong patayin ang step-dad nya dahil sinasaktan nya ang babaeng Mahal ko. Oo mahal ko ang amo mo kaya nga ikinatuwa ko nung malaman ko na mahal nya rin ako

Hello naman sayo Laura

Alam ko na binabas mo toh ngayon alam mo Mahal na mahal na mahal kita. Mahal pa kita kay Mahal

Your Love
Simon '

Nang mabasa ko ang mga sinulat nya sa Notebook ko, di ko napansin na tumatakbo na pala ako at hinahanap siya, hinahanap ko ang lalakeng mahal ko at mahal ako

And finally found it. Nasa likod sya ng school at natutulog

Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan siya. Nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya, pero ang ikinagulat ko ng hilahin nya ang batok ko at hinalikan, tumugon naman ako

"I love you"

"I love you too"

At muli pinagsaluhan namin ang isang halik

Kung di ako nagsulat sa Notebook ko may mababasa kaya siya dun? Pupulit nya kaya ito?

'Hello 'Notebook'

Thank you'

Love

Laura and Simon

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon