Stella Point of View
"Hey ano yang hawak mo?" tanong ko kay Shane sabay hablot nung papel "Ha? Flyers?" takang tanong ko nung nakita ko yun
"Katsumi Matsomoto" basa ko dun sa pangalan "Sino naman toh?" tanong ki sa kapatid ko
"Oviously si Katsumi" pilosopo nyang sagot sabay irap
"Alam kong si Katsumi toh, dahil nabasa ko. Ang ibig kong sabihin para saan toh?" paglilinaw ko sa bobita kong kapatid
"Tumatakbo sya ng School Council President" sagot nya sakin
"School Council President? Matagal pa ang Halalan ha?" taka kong sabi sa kanya
"Kaya nga. Naghahanap kasi sila ng tutulong dyan kay Katsumi" sabi nya sakin
"So?" tanong ko sa kanya
"Bakit na parang interesado ka?" irita nyang tanong sakin
"Curious ako e. Wala kang magagawa" mapang-asar kong sabi sa kanya
"Hey girl anong pinag-uusapan nyo" nagulat na lang ako ng may nagsalita. Si Jasmine lang pala.
"Tungkol sa Flyers nato" sagot ko sa kanya sabay abot nung papel
"Katsumi Matsomoto" basa nya dun "Teka lang e kaibigan toh ni James e" dagdag nya pa
"Talaga?" tanong ko sa kanya
"Oo. At kapatid nya si Tamaki Matsumoto" dagdag nya pa
"Tamaki? Yung bagong Captain ng Volleyball? Yung Girlfriend ni Kevin?" sunod-sunod na tanong ng kapatid ko
"Oo yun nga" masayang sabi samin ni Jasmine habang pumapalakpak pa. Isip bata
"Osige mauna na ko" sabi nya, pero pinigilan ko siya nung papaalis na sya "Bakit?" irita nyang tanong sakin
"Pano toh?" tanong ko sa kanya sabay pakita nung Flyers
"Sayo na lang yan. Tutal interesado ka naman" sabi nya sabay lakad. Bakit ba Badmood yun?
"Miss interesado kang mag-Volunteer?" nagulat ako ng may nagsalita sa gilid ko
"Saan?" takang tanong ko dun sa babaeng Nerd
"Dyan sa hawak mo" sabi nya sabay turo sa Flyers na hawak ko
"Ha?" naguguluhan kong sabi sa kanya
"Kung interesado ka sumunod ka sakin" sabi nya sabay lakad. Dahil sa sinabi nya may naisip akong kalokohan
Sumunod ako dun sa Nerd ng nakangisi. Huminto kami sa isang room kaya nagtaka ako, siguro ito nayun
Pumasok kami dun sa loob at naabutan namin yung iba na nag-aayos ng Flyers at T-shirt. Nakita ko rin dun yung si Mark at ang girlfriend nyang si Angel, si Isaac at ang girlfriend nyang si Sara, si Simon at ang girlfriend nyang si Laura, si Kevin at ang girlfriend nyang si Tamaki na kapatid daw nung Katsumi, at ang boyfriend ng bestfriend ko si James
"Oh Hana may nahakot ka ha" biro ni Angel dito sa katabi ko. Hana daw ang pangalan base sa tinawag sa kanya ni Angel
"Nakita ko lang siya sa labas" sagot ni Hana sabay lakad palapit sa kanila, pinasunod nya naman ako
"Sya nga pala si Stella" nagulat naman ako dun. Pano nya nalaman ang pangalan ko?
"Ako naman si---" "Huwag na kilala ko na kayo" putol ko kay Laura na magpapakilala sana