Alyssa’s POV

“bebelabs, I love you ulet!” sabi na naman ni Joniel. Pangalawang I love you nya na yan sakin for this day. :”>

“Paulet- ulet?? Unli unli?? Ano yan wlang kapaguran?” sabi ko sa kanya. Taray ko no? haha. Kinikilig na kasi ko masyado eh. Kailangan kong magtaray kasi baka mamaya, mapa I LOVE YOU TOO na ko sa kanya. Hindi pa ko ready. ;3 

“Ganun talaga bebelabs. Kahit paulit-ulit akong mag I love you sayo, di ako mapapagod. Di ako mapapagod na ipaalala sayo kung gaano kita kamahal.” Seryosong sabi ni Joniel. 

DUG.DUG.DUG.DUG.DUG.

Kapag seryoso na yang mukha ni Joniel, jan na ko natatakot. Di kasi ako sanay na ganyan yung mukha nya. Pangalawang beses ko pa lang siya nakikitang ganyan kaseryoso yung mukha. Yung unang beses, nung nakipag break sa kanya yung girlfriend nya na pinakasineryoso nya. 

FLASHBACK

Papunta kami ng mga kaibigan ko sa gazebo para mag lunch. August na nun. Medyo close na kami nyan ni Joniel.Lagi nya kasi kong pinagttripan. 

Pagdating sa gazebo, nakakita ako ng familiar face. Sabi na eh. Si Joniel nga yun . Bat kaya mag-isa tong mokong na to? Asan na kaya yung girlfriend neto? 

Nasanay kasi ako na lagi nyang kasama yung girlfriend nya pag lunch na. Kahit masakit para sakin na tingnan silang sweet sa isa’t isa, tinitiis ko. Kasi alam ko na dun siya masaya. Kuntento na ko na maging kaibigan nya.

“Bat mag-isa ka jan? Pati bat ganyan mukha mo? Para kang dinaanan ng bagyo jan sa itsura mo eh.” sabi ko sa kanya. 

Di siya nasagot.

“Hoy! Hello! Andito ko! Kinakausap kaya kita. Bahala ka na nga jan. Trip mo atang magpaka emo jan eh. Sige i-career mo yan! HMP! Makaalis na nga!” yan na lang ang nasabi ko sa kanya sabay tayo at papaalis na sana ko.

Nagulat naman ako nung bigla nyang hinatak yung kamay ko. Magkkwento na daw siya.

“Nagbreak na kami ni Jena.” Malungkot nyang sabi

“Bakit kayo nag break?”sabi ko

“Nagsasawa na daw siya sakin. Ang hirap ko daw pakisamahan. Ang kulit kulit ko daw kasi. Saka may mahal daw siyang iba.”

“E-eeh.. a--ahh.. pumayag ka naman?”utal- utal kong sabi sa kanya. Anhirap pala mag-advice pag yung taong mahal mo, nasasaktan. Kasi ikaw din sa sarili mo, nasasaktan ka din na makita siyang nasasaktan.

“ Oo. Kung dun siya magiging masaya eh. Kahit mahal ko siya, kung hindi niya naman niya ako talagang mahal, wala ding mangyayari. Sa huli, ako din naman ang masasaktan.” 

Nakakaasar talaga!!!! Feeling ko, ang bobo ko. Tapos etong lalaking to shunga.  Ang sarap sapakin, iumpog sa pader at batukan para magka-amnesia. Tapos pag hindi na niya naaalala si Jena, papaibigin ko na siya. Tapos happily ever after na. Kaya lang hindi pwede saka di ko kayang gawin yun. 

“Kung yan yung choice mo, ssuportahan na lang kita. Basta andito lang ako kapag kelangan mo ng kausap.” Yan na lang yung nasabi ko sa kanya.

“Salamat Alyssa.” Sabi niya. 

Tapos after ng pangyayaring yun, lagi na siyang lumalapit sakin. Lagi na kaming magkasama. Minsan napagkakamalan ng ibang kaklse namin na kami na.Hindi ko na lang sila pinapansin. Tinanggap ko na din kasi na hanggang friends na lang kami.Saka iniisip ko na yung paglapit lapit niya sakin is his way of moving on. Minsan, pag nakikita ko siyang malungkot, ginagawa ko yung best ko para mapasaya siya. Simula nun, ayoko ng makita siya ulit na malungkot.  

End of flashback.

“Joniel, may tamang oras para sa mga ganyang bagay ha! At yung tamang oras na yun, hindi pa ngayon.” Sabi ko sa kanya.

Tapos biglang nawala yung lungkot sa mukha nya. Ngumiti na ulit siya. :)

“Aantayin ko yung tamang panahon na yun. At kapag dumating na yun, gagawin ko ang lahat para maging girlfriend kita. Kung kailangan kitang suyuin araw-araw, gagawin ko.” Sabi niya. Bakit ba naging seryoso bigla tong lalaking to? Ano kayang nakain nito? 

“Oo pag dumating ang araw na Yun, iyung-iyo na talaga ko.”  Sabi ko yan sa sarili ko sa pinakamahina kong boses para hindi niya marinig.

Just the two of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon