Joniel's POVMejo matagal na din kaming di nagkikita o nagkakausap ng ex ko na si Jena. Oo ex na. Tinapos na niya ang lahat.
Bakit?
Kase sawa na daw siya sakin.
Masakit tanggapin pero pumayag ako. Kase kung dun sya sasaya, wala kong karapatan na pigilan siya.
Sabi ng mga kaibigan ko, "Ang tanga mo. Mahal mo pero bakit mo hinayaang mawala sayo?"
Nginitian ko na lang sila.
Pero gustong gusto kong sabihin na, "Ginawa ko ang lahat. Pero mahirap talaga na sa isang relasyon, isa lang ang nagmamahal at nakakaunawa."
Di nila alam. Wala silang alam kung gaano kasakit. Pero kahit ganoon, ramdam ko na di padin siya nawawala dito. Dito sa puso ko. Alam ko na siya pa rin ang laman nito.
Sa ngayon, marahil ang alam nila, nakakamove on na ko dahil sa mga ngiting pinapakita ko sa kanila pero di nila alam na sa likod ng mga ngiti na yun ay luhang pinipigilang lumabas.
Palagi kong nilalapitan si Alyssa. Sa kanya kase sobrang gaan ng loob ko. Palagi ko siyang binibiro na kahit papaano, nakakalimutan ko na ang sakit pala ng maiwan. Kasi pag siya ang kasama ko, pakiramdam ko, kahit anong gawin ko, d niya ko iiwanan o susukuan. Sobrang bait ni Alyssa. Kung hwala nga lang si Jena, malamang nahulog na ko kay Alyssa.
Pero nitong mga nakaraang linggo, nakita ko si Alyssa. May kausap na lalaki. Di ko alam kung bat ganito ang inaasta ko. Bigla akong napaisip sa sunod na ginawa ko.