Alyssa’s POV
>//////////////////////////////<
“ O Alyssa, bat ka pulang pula jan? Ilang blush-on ba tinira mo ha?” sabi ni Sarah.
“ Dami mong napapansin Sarah ah! Porket wala lang dito si Roy nagkakaganyan ka na.” sabi ko . Akala mo ha. Hahaha. Kkwento ko muna kung sino si Roy at kung anong relate nya kay Sarah. :)))))))))
FLASHBACK
1st month of my College life. Nag-aasaran kami ng mga new friends ko. Medyo madami-dami din kaming magkakaibigan. Kami yung mga napag-iwanan nung first week of classes. Yung laging OP (Out of Place) sa section namin. Kami kasi yung silent type, yung parang di makabasag pinggan pag tiningnan. Pero kapag kami kami lang ang magkakasama, sobrang ingay namin. Yung parang wala ng bukas.hahaha
Eto na yung about kay Sarah pati kay Roy…
Nasa may malapit sa gazebo namin napiling kumain ng lunch. Tapos pagkatapos kumain, ayun. Tinopak na naman yung mga kaibigan ko tapos pinagtripan na naman ako. Tapos pagkatapos nila kong pagtripan, si Sarah naman ang napili nila. Hahaha.
“ Sarah, sinong crush mo sa section natin?” sabi ni Claire.
“Wala.” Matipid na sagot ni Sarah.
“WEEEEEHHH?? Eh sinong gwapo sa room natin sa tingin mo?” sabi naman ni Vanessa.
“Wala.”
“Di nga? Sino nga? Di naman pwedeng wala eh. Sino nga? Yung seryoso ha.” Sabi ni Claire. Oo na, pinagtulungan na nila si Sarah. Hahaha
“ Si Joniel, Dom, pati si Roy.” Sabi ni Sarah na parang wala lang yung sinabi nya sa kanya.
“Di na pwede si Joniel kasi kay Alyssa na yun. Si Dom naman, may girlfriend na. So si Roy na lang ang hindi taken >:)” sabi ni France.
“Ayyyiiieeeehh!!” in chorus na sabi naming ng mga kaibigan ko para asarin si Sarah. haaha
“Bagay kayo ni Roy! Di ba lagi mong katabi yun pag may klase. Destiny oh! Hahahahaaa” sabi ulet ni France.
Simula nun, lagi na naming inaasar si Sarah kay Roy. Si Roy ang man of her dreams at ang tanging nakakapapatino sa kanya. Yung tipong parang nagiging Maria Clara ang ate pag anjan si Roy..
End of flashback.
“ Masaya ka na? Nakwento mo na ko? O sagutin mo na yung tanong ko. Bat pulang pula ka jan?” sabi ni Sarah.
“ Taray ha!Porket nag migrate na si Roy sa Canada, naging ganyan ka na. :P Kaya ko namumula, kasi mainit!!!” palusot ko. Sana lang lumusot yan.
“Sus! Kaya yan namumula, kasi anjan lang naman ang bebelabs nyang si Joniel. At take note, kung nasaan ang kamay ni Joniel ;)” sabi ni Ria.
Naku Ria! Bat mo ko nilaglag??! Akala ko pa naman lulusot na yung palusot ko. May butas pa din pala. :3 Pasalamat ka jan halos pareho tayo ng ugali kaya di kita papatulan jan :P HAHA. JOKE! Si Ria, closefriend ko din. Laitera kagaya ko, maingay, tamad, pero pagdating sa love, magkaibang magkaiba kami nyan. Ako kasi, mahilig mag take risk. Sya ewan ko lang. Saka pagdating din pala sa ganda, lamang ako sa kanya. NUKNUKAN kasi ko sa ganda, siya pinakamaganda lang.
“ Ahem!” sabay sabi ni Vanessa, Claire pati France.
Yang tatlong yan, wala kong masabi about sa kanila pagdating sa usapang lovelife. Steady kasi ang lovelife ng mga yan eh. Nahanap na nila si Mr. Right :”> O sige sila na talaga! Kakainggit lang naman..