Alyssa’s POV
Di ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga pinagsasabi ni Joniel. Arrrggghhh!! >.< Inaantok pa tuloy ako.
Lagot na naman ako nito mamaya. Makapasok na nga sa school. Estudyante nga pala ko ng The Royal University (TRU). 7:30 pa yung pasok naming pero 6:00 pa lang, nasa school na ko. Pumasok ako ng maaga para matulog sa room ;>
ZzzzzzzzzzzzzzzZZZZZZZ
Ang ingay naman nitong mga kaklase ko. Kahit kelan talaga. Kaya din na ako nagtataka kung bakit madalas kaming masermonan ng adviser namin dahil sa kaingayan eh.
Wala na. Di na ko nakatulog. Pagkamulat ko ng mata, nakakita agad ako ng anghel :)
Si Joniel po yung nakita ko :) Teka, Si JONIEL???!! At 2 inch apart na lang ang pagitan ng mukha naming??! O.O
“Good morning bebelabs!” sabi niya sakin.
“Badtrip ka!!! Makalapit ka ha! Bat ka ba andito? Dun ka na nga sa upuan mo!” sabi ko sa kanya w/ matching pagsigaw pa. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa ginawa nya eh.
“Dito ako nakaupo bebelabs eh :)”
“HOY! Diba dun ka sa tabi ni Ria!” sabi ko ulet sa kanya. Takte naman to eh. Alam niya naman na kapag katabi ko siya, hirap akong magconcentrate lang sa teacher. >.<
“Gusto ko dito sa tabi mo bebelabs!” sabi niya din. Ayaw talaga patalo nitong lalaking to ah.
“Bahala ka na nga jan! Kung gusto mong umupo jan, eh di jan ka!” taray kong sabi sa kanya. Okay you win.
After 2 hours and 15 mins. na pagllecture sa Chemistry, lunch na namin. As usual, kasama ko na naman tong lalaking to. Lagi ko naming kasama na to eh. Magkakapalit na nga daw mukha naming kasi lagi na lang kaming magkasama. HAHAHA. Inggit lang sila >:P
Tapos after kumain, Math na. Sa sobrang bilis ng oras, di ko na napansin na uwian na pala namin.