I love you Alyssa!” w/ matching puppy eyes pa si Joniel.
“Ewan ko sayo! Wag mo ko pagtripan ha!” waaaaahh.. ang cute nya talaga. Kala mo madadala mo ko jan sa pagpapacute mo? Pwes, TAMA KA! Pero sana totoo nga yang sinasabi mong mahal mo ko. Kahit na lagi kitang tinatarayan, di ko pa din maiwasang umasa na sana totoo nga yang sinasabi mong pagmamahal mo para sakin. Yan na lang yung nasabi ko sa sarili ko.
“totoo nga to e. wow! Alam ko naming cute ako eh. Kahit di mo na sabihin. Madami na din naming nagsasabi. Kaya gustong gusto kita bebelabs eh. Di ka marunong magsinungaling ^.^” sabi sakin yan ni bebelabs este Joniel pala.
>////////////////////////////////<
“Paano mo nalaman yung iniisip ko ha?? May lahi ka bang manghuhula?” OMG!!!!! Paano nya nalaman yun? O.O
“bebelabs, hindi ako manghuhula nu. Sa pogi kong to?” confident na sabi ni Joniel.
“OO NGA ALYSSA! Ang pogi pogi ni Joniel ah! Para maging kalevel lang ng manghuhula. Eh mas tanggap pa namin kung ikaw yung mukhang manghuhula >:) joke lang! Peace tayo Alyssa” sabi ni Sarah.
“Mag I love you too na din kaseeeeeee.” Sabi ni France para ibalik ulet yung topic na pagsasabi ni Joniel ng I love you sakin. :”>
“Onga Alyssa! Ang opportunity, minsan lang yan dumating. Kaya once na magkaroon na ng chance, grab na agad! Wag ng mag-isip ng kung anu-ano. Bahala ka. Pag yan nagsawa tapos lumayo na sayo, hindi na yan babalik. Ikaw din. Baka magsisi ka sa huli.” Sabi ni Ria.
“ Haba ng sinabi Ria ah! lalim ng pinaghuhugutan? Nakakarelate masyado? ?” sabi ko yan kay Ria. Akala nya ha! Sorry Ria. Ikaw muna yung topic. Hahaha. Ayoko kasing ako yung piang-uusapan eh.
“Si Alyssa, nililipat sakin yung topic!” sabi ni Ria.
“ OO NGA!!!” in chorus na sabi ng mga kaibigan ko. Haaaaaayy nako. Kaibigan ko ba talaga tong mga to? Eh lagi akong nilalaglag pagdating kay Joniel eh. :/ nagdadrama lang po ako dear readers. Hahaha. Minsan lang ako magdrama nu. Pero kahit ganyan sila, labs na labs ko yang mga kaibigan ko ha! Tama na nga ang pagdadrama. Di sanay si Sarah sa ganito eh. Baka mamaya masuntok ako nun. Baka masira pa ang face ko na NUKNUKAN sa ganda ;>