Chapter 2.1

3.7K 88 20
                                    


Salamat po sa patuloy na pagbabasa ng storyang ito. Sana po ay napasaya kayo sa mga ideang nakasulat dito. Happy 1.7K reads mga Team Parker!

Short update lang po ito. Natutuwa kasi ako sa dami ng reads. Unexpected! So enjoy reading!

---------------------------------

Parker's POV


May mas mahirap pa pala kaysa sa pagpa-plano ng date.


Alam nyo kung ano?


"MA!" Frustrated kong sigaw mula sa kwarto ko at tinawag ang mama ko sa kitchen.

"MA!"

I shouted again. Mayamaya ay narinig ko na ang mga yabag habang papalapit ito sa kwarto ko.


"Parker?" She knocked on my door before opening it. "O? What is your problem?"

"Ma, ano..."

"What--WHAT HAPPENED TO YOUR ROOM?!"

Napakamot tuloy ako ng ulo. Paano ko ba ito sasabihin? Ilang oras na ba akong naghahanap ng maisusuot? Halos nailabas ko na ata ang lahat ng damit ko sa closet pero hindi parin ako nakakapili.

Inangat ko ang ilang mga damit ko at hinarap si mama.

"Itong polo na checkered or plain? o kung magT-shirt nalang kaya ako? What do you think? Round neck or V-neck? Kailangan ko bang mag-pants or shorts? Bagay kaya kapag mag-shoes ako or--"

"Parker stop!"

Napatigil at natulala ako sa pagsigaw niya habang unti-unting ngumisi.

"How come you've been this self conscious baby? Come to think of it, I never imagine na si Parker Adrian Palma, na matalino, gwapo at maporma kong anak ay nalilito in choosing what to wear? Tell me Parker, Do you want to impress your date?"


"Ma naman..."

"Hay, Just be your self baby. Bagay naman sayo lahat ng suotin mo e."

"Or better not to wear anything." Singit ni Papa na ngayon nga ay nasa likod ni Mama habang ang braso ay nakaakbay sa huli.

"Yeah right. What a great idea Pa." I force myself not to roll my eyes. Baka pagtawanan na naman ako.

"Naughty boy." Siniko naman siya ni Mama. "By the way, who's the lucky girl?"

I smile at them.

"Laura Imogen Suarez."

Nagulat naman silang dalawa sa sinabi ko. Agad nakabawi si Mama at mukhang tuwang-tuwa ito.

"Seriously?! OMG! Im so proud of you baby!"

Lumapit siya sa  akin at niyakap ako. Siguro ay naaalala na naman nito ang naudlot na pagmamahalan nila Tito Parker at ng Mom ni Imo. Alam ko naman yung nangyari dahil madalas itong maikwento sa akin noon.

"Sa wakas di na to-torpe-torpe ang anak ko." Sabat naman ulit ni Papa na nanatiling nakatayo sa may pintuan. Inignora ko na lamang ito.

"Anong oras pala ang lakad nyo?"

"7:30 po." Simpleng sagot ko.

"7:30?! Aba't mahuhuli ka na a. Bilisan mo na!" Pinagtulakan niya pa ako. Mukhang mas excited pa ata ito kumpara sa akin e.

Agad naman akong nagpatiayon at mabilis sa nagbihis. I wear a white long sleeve polo, nirolyo hanggang siko ,and paired it with khaki pants. Pumili ako ng isusuot na sapatos. Napahinga ako ng malalim habang nakaharap sa salamin.

'Pwew! Gwapo pa rin.'

Bumaba na ako at nakita sila Mama sa dining table habang kumakain.

"Ma! I have to go. Susunduin ko pa siya sa bahay nila." I grab my keys at lumabas patungo sa kotse ko.

"Take care baby!" Pahabol ni Mama bago ako makapasok sa loob ng kotse.


Matapos huminto sa guard na nagbabantay ng Subdivision at sinabi ang pakay ay nagpatuloy ako sa pagd-drive. Naipaalam na pala ni Tita Imo sa guard na pupunta ako sa kanila. Pagkarating ay agad bumukas ang kanilang mataas na gate at ipinasok ko na ang sasakyan.

"Good morning po. Sino pong hinahanap nila Sir?" Tanong nung isa nilang kasambahay doon.

"Asan po si Tita Imo?"

"Ayy... Nasa kitchen po siya. Hali po kayo." Sabi nito at nagpatiuna sa paglakad. Sumunod ako sa kanya at ilang minuto din nang makarating kami sa kitchen nila. Ang laki rin naman kasi ng bahay nila.

"Ma'am, May naghahanap po sa inyo." Nagpaalam naman ang maid pagkatapos. Si Tita nakatalikod sa akin na busy ata sa paglagay ng icing sa cupcake.

"Good morning po Tita." Bati ko at tumabi  sa kanya.

"O Hi Parker. Nandyan ka na pala. Kamusta? Asan Mama at Papa mo?" Lingon niya sa akin.

"Okay lang po. Nasa office na siguro sila Papa, tinatapos yung inaasikasong case . Ahm, asan po siya Tita?"

Tumigil naman si Tita sa ginawa at humarap sa kanya ng nakangiti. Ang ganda talaga ng mga mata nila. Blue eyes na sa isang tingin lang ay para ka nang malulunod.

"Nasa taas, nasa kwarto niya. Teka, ipapatawag ko." Tumango naman ako at pinatawag niya si Imo.

"Dito na kayo kumain Parker."

"Ah, Tita, pwede po bang sa susunod nalang. May balak kasi akong lugar na pagdadalhan sa kanya. Okay lang po ba yun?"

"O sige. O, ayan na pala siya."

Unti-unti akong lumingon para makita siya. And it looks like I found my perfect match. She is wearing a baby blue dress and a white doll shoes. Her dress is matching her blue eyes.  She is so beautiful.


"Alis na po kami Tita." Paalam ko. Lumapit naman si Imo sa Mom niya at humalik sa pisngi nito.

"Take care, both of you." Sabi naman ng Mom niya.


Nang nasa labas na kami patungo sa kotse ko ay tinanong ko siya.


"Do you want to go somewhere first?"

Tumango naman siya. "Is it okay?"

"Of course. Come on." Binuksan ko ang passenger seat at inalalayan siyang pumasok sa kotse. Umikot naman ako papuntang driver seat matapos isara ang pintuan sa gilid ni Imo at started the engine.

"So, where do you want to go first?"

"Just drive, I'll show you where." She smile.


Yun o! Busog na ako!


------------------------

#ToParker

To where do you think Imogen wants to go?

Comment and Vote! Thank you very much!

Thank you sa lahat nang readers! I love you.

Warning! Grammatical errors! Sorry! RIP-ENGLISH!


Kung may time kayo, check nyo na rin ang others stories ko. Kapalan na ng mukha ituuuu! hehehe. Salamat po.


To ParkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon