Chapter 1

6.3K 122 26
                                    

Author's Note:

Paalala sa mga magbabasa!

Ihanda ang inyong mga mangkok para sa isang ma-sabaw na chapter! Salamat!

*******************


Parker's POV


Thoughts of yesterdays incident are still bugging my mind habang naglalakad ako sa hallway. Kapansin-pansin ang tahimik na paligid at tumatabi ang mga estudyanteng nakakasalubong. Obviously scared to be on my bad side.

Hindi naman naapektuhan ang takbo nang event dahil sa mumunting pangyayari kahapon. Ngunit halata ang pag-iwas at kung minsan ay bulungan ng ibang naroroon habang pasulyap-sulyap sa kanya.


"What are you looking at?!"

Sigaw niya sa ilang estudyanteng mahuhuli niyang nakatingin sa kanya.


"W-wa-wala p-po!"

Halata ang takot at napapakaripas ng takbo ang mga ito.

Napatuloy na lamang siya sa paglalakad. Nang napadaan siya sa field ay nakita niya ang Girls Soccer Players na naglalaro. But he cannot find the face he is looking for. Suddenly, tila isang sirang plaka na naman na bumalik sa isipan ang patungkol sa nangyaring gulo kahapon.


*Flashback...


"Imogen!/Captain!" Her colleagues chase after her when she ran away.

Sinundan naman niya ng tingin ang direksyon ng mga ito. He can't decide on what to do.

Should I chase her too?

Should I apologize to her?

And for what?! For shouting at her after ruining my presentation?! Eh kasalanan naman talaga niya, diba? Kung hindi niya naman sinipa ang l*tsugas sa bolang yun edi sana hindi nagkandaletche-letche ang lahat.

But partly, I blame myself too. Hindi naman niya sinasadya iyon. She even apologize and worst case is I made her cry for shouting at her.

Napahilamos nalang ako ng mukha dahil sa sobrang frustration. Paano na ako makakascore e kakasimula ko palang, talo na agad. May bad record na ako sa pagsigaw sa kanya. Nyeta! Bad trip talaga!


"Mr. Palma." Untag sa akin ng isang teacher na kasapi ng nag-oorganisa ng nasabing event.

"I'm sorry for what happened earlier." Panimula nito. 

"So in behalf of the event organizers, I decided to give you another 15 minutes to plate your dish. If that is what can make you at ease. I know this cooking contest is something important to you. So, are you ready?"


Gusto ko sanang sumigaw nang, "To hell with this!" dahil narin sa halo-halong nararamdaman. Galit, frustration, pag-kainis, pagod at lahat lahat na ng kabadtripan. Pero napag-isipan ko narin na gusto kong may kahihinatnan ang nasimulan na.

Tumango siya bilang pagsang-ayon at pumunta sa bagong naka-set na table at sinimulan ang panibagong plate. 

Good thing was he cooked more than enough of the dish. Balak kasi ng mga kaibigan niyang tikman ang luto niya, kaya sinabi niyang magluluto siya ng sobra para sa mga ito.  Kaso hindi muna sa ngayon. Kaunti na lamang kasi ang matitira gayong nasayang ang nauna niya inihanda.

To ParkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon