Chapter 12

543 12 3
                                    


"Hi Girls."

"Hi Captain."

Nagtipon-tipon ang girls soccer team ng hapon na iyon para sa paparating na interschool competition. Though as the captain, may manager na gumagawa ng mga game plan para sa amin.

Matapos ng meeting, nagsialisan na rin ang iba. Naiwan naman kami ng close friends ko kasama doon si Mabeth.

Usap-usap ng mga nangyari the other week. Kaya naman hindi naiwasan na mapag-usapan yung nangyari during the play.

"Grabe talaga. Hindi ko matagalan ang tumayo malapit sa table ng HRM dept. Parang ilang sandali lang may sasabog sa sobrang tense ng mga ganap."

"Oo nga e."

"Kamusta ka na pala Captain? Sorry nga pala hindi kami agad naka-resque sayo."

"Wala na yun. Ayos na ako."

"How bout you and that handsome Palma?" Nagsimula naman siyang tuksuhin ng mga kasama. Napa-iling na lamang siya. Paano ba niya sasabihin?

"Well?" Si Mabeth talaga ang nauuna sa chika.

"Well what?" Naguguluhan rin siya. Kailangan pa ba niyang ikwento sa mga ito ang buong nangyari?

"Come on Captain! Share ka naman! So what's the deal?"

"Yaa... we saw you with him the next daw, magkausap kayo. So ano na?" Push pa ng ilang ka-team niya.

"Well... Ayos na kami."

"And???..." Jammie's teasing voice urge me to talk further.

"What else?" Mabeth seems to get too excited like most of the girls.

Hindi ko naman kayang hindi mapagbigyan at feel kong i-share kahit pahapyaw lang sa mga nagyari. Duh! I need to release it. Kahit sa mga kaibigan ko lang naman.

Hindi naman sa mang-iingit ako. They urge me to talk about it and I want to share some girly talk to them. Kung hindi naman kasi ako magku-kwento e kukulitin at kukulitin pa rin nila ako. Lalo na ni Mabeth.


*********************

Habang hininhintay na matapos ang huling klase sa araw na iyon, bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko sa bag. I was tempted to look through it, ewan ko ba kung bakit, kaya naman nang tumalikod ang professor ay saglit ko namang sinilip ang cellphone ko.

Parang baliw na siguro ako kasi mukhang ako lang ata ang naka-ngisi dito sa loob ng room. Yung mga kaklase ko kasi kanina pa bagot na bagot sa turo ng Prof.

Simple at isang salita lang, malaki na ang epekto kaya naman laking gulat ko ng lumabas na kami ng isa kong guy friend na si Bren – mahilig sa music kaya ganun.

"Imo..."

Automatic na napalingon naman ako dun sa tumawag sa akin. At ayun na lamang ang gulat ko ng nakita ko siyang nakasandal sa gilid ng classroom namin. O me ged!!! This Parker Adrian Palma hinihintay ka?! Iba na to!

"Parker." Konti nalang talaga. Konti nalang napupunit na tong labi ko. Ano ka paya nung gumanti rin ito ng ngiti. Wasak na!

"That Palma! Ugh! Ang wafuu!!"

"Uy! Nagsmile siya. Bhe! Help me!"

"Gwapo Besh!"

Eto yung maririnig mong usapan sa paligid. Naghuhurmenado yung puso ko. Nung lumapit pa siya para iabot yung bag ko, naamoy ko yung pabango niya! Ang sarap ipasok sa bote at ibulsa para ako lang makakaamoy e.

Ewan ko kung may matino pa ba kong naisagot sa mga tanong niya habang magkasabay kaming pumunta sa cafeteria. And take note of this, may kasamang akbay yan. Nakakahiya nga kasi nakalimutan ko na kasama pala namin si Bren.

Nung mukhang nagtatalo na sila kung sinong oorder ng pagkain, para akong natauhan bigla. "Ako na lang..." tatayo na sana ako kaya lang mahihindian ko ba ang Parker Palma na eto?

"Ako na... just stay here. Ako na bahala." Sinungitan pa nito si Bren na siya namang sumunod para bumili rin ng pagkain.

At yun nga hindi pa natapos ang pagtatalo ng mga to. Tuloy na-mention na naman yung sakit ko. Glucose-6-phosphate dehydrogenase Deficiency (G6PD) or also known as Favism, early destruction of RBC that may lead to hemolytic anemia. I-google nyo nalang for more information.


***************


"Sheen..."

Sagot ng girl na may mahabang buhok na tinulungan ko kani-kanina lang. Nakakagaan ng loob yung may bago kang makakakilala. Napansin kong may pinulot sa sahig malapit sa kinatatayuan naming si Bren at iniabot ito kay Sheen.

"I think this is yours." Sabi ni Bren at inianbot ang isang pen.

Hindi ko alam pero parang na-awkward ata si itong si Sheen kay Bren at ginamit pa ang mahabang buhok nito para itago ang mukha.

"Hindi... hindi saken... Mauna na ko." At yun nga nagmadaling umalis doon sa kinatatayuan niya. Napabaling naman ako kay Bren, bigla-bigla nalang kasi nagsasalita.

"Ice?"

"Ano yun Bren?" Weird talaga nun minsan kaya naman nagpaalam na rin itong mauuna na raw. Ewan kung may pasok pa ba yun o dideretso na nang uwi e. At ang ganap e, kaming dalawa nalang ni Parker yung magkasama.

Kala ko nga mag-aaya na ring umuwi pero nga naman! Kung maka-push O Tadhana at hashtag Alonetimewith him ang peg. Nag-ayang mag- Arcade dahil wala na naman daw silang pasok pareho.

Lubos ba ang kabaitan ko at kung makabigay naman si God ng blessings nya, binuhos maghapon e.


"Miss, Sir... Pwede ko ba kayong kuhanan kahit isang picture?" Request noong attendant. Todo na to. Parang nag-aalangan pa kasing sumagot si Parker kaya inunahan ko na. Sus, kung mas naging mas naging makapal nga lang mukha ko, hindi ako mahihiyang ilabas ang cellphone ko at magselfie kasama si Parker kanina sa Arcade.

"S-sure..." ngumiti nalang ako sa attendant at nagready for the shot.

"Sir, Pwede bang akbayan niya si Miss?... O ayan." Napatingin naman ako kay Parker, nakatingin din pala siya sa akin.

*Click!*

"You really look good together. Thank you Miss, Sir." We exited the shop with half smile. I tried to brush my smile and hide my flushing face kaya medyo nauna akong maglakad kay Parker.

Sa bahay na ko magmomoment. Mahirap nang maastahan akong siraulo dito kapag nagatatatalon ako.

Nag-aya munang magmeryenda itong kasama ko bago ako tuluyang ihatid sa bahay nila. Doon na raw ako titira. Bukas na ang kasal. Oo at invited ka, hintayin mo yung invitation ha.

Seryoso?

Sa katunayan magkakaanak na kasi talaga kami.

Masyado bang advance?

Mag-eending na kasi kaya itotodo ko na.

The End.

JOKE!

Nag-aya munang magmeryenda itong kasama ko bago ako tuluyang ihatid sa bahay. At talagang pagkarating at pagkasalampak ko sa kama, binuhos ko na ang lahat na pinipigilan kong kilig at tili. Nakuha ko pang magtatalon nun ha.

Hay.

So far...So good.

I smiled contentedly.

____________

Thanks for reading!! Vote and leave a comment.


Love, Jonisse.

To ParkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon