Chapter 7

825 15 0
                                    


Short Update.. :)


*******************************************************************

"Parker, Ihinto mo na ang kotse. Dito na lang ako."

"Ha? Bakit? Dalawang kanto pa ang layo ng University. May dadaan ka ba dito?" Tanong niya kay Sheen,

Bumabyahe sila papuntang school ng magkasabay. Pansamantalang sa mansion ng Palma nakatira ng magkapatid dala na rin ng pagpupumilit ng kanyang Mama rito. Noong mga oras na iyon ay ayaw pa sanang pumayag ni Sheen ngunut nakumbinse parin ito ng Mama niya.


"Hindi ako makakatulong ng mabuti sa pag-iisip kung saan kayong dalawa matutulog ngayong gabi. Kaya't mabuti pa ay sa bahay na muna kayo manatili at para makapagpahinga narin dahil may pasok pa kayo bukas." Lintaya pa ng Mama niya ng gabing yon. Perks of being a lawyer na rin siguro ay hindi na kumastigo ang dalaga.


"Wala naman. Nag-aalala lang ako baka kung anong masabi ng ibang tao sa school kung bakit...ano..." Napayuko ito.

"Kung bakit magkasama tayong pumunta ng school? Bakit? May masama ba doon?" Umiling naman ito ngunit hindi parin nag-aangat ng mukha. Ano bang kinakatakot nito kapag nalamang magkasama sila papasok ng school?

"Ki-Kilala ka sa school."

"Oh tapos? What's the big deal about it?" Hindi rin naman nagtagal ay nakapasok na ang kotse niya sa University. Siniguro ko munang nakapark ako ng mabuti bago naunang bumaba.

Bumukas na ang pinto sa passenger seat bago ko pa man ito mabuksan. Agad namang bumaba roon si Sheen.

"Salamat. Sige mauna na ako." At nagmamadali itong umalis. Ano bang problema nito? Natanong ko sa sarili.



Nag-umpisa na rin akong maglakad patungo sa unang klase ko ng mapansin ko ang ilang mga estudyanteng nakatingin sa akin habang ako ay naglalakad.

"I thought he's dating the captain of the girl's soccer team? E bakit ibang girl yung kasama niya?" -girl1

"Yeah. Sayang bagay pa naman sana sila nung Imogen." -Girl2

"Siguro she's kinda make agaw him to, who is it again?" pa-conyong sabi ng isa pa.

"Laura Imogen." Sabi nung unang babae.

Napanting ang tenga ko sa narinig kaya nilapitan ko ang mga ito.


"You know, it's rude to talk about someone kung wala naman silang ginagawa sa inyo. Now, go to your class and improve yourself instead of wasting your saliva for nothing." Matapos kong sermonan ang mga ito ay mabilis akong tumalikod.


Namataan ko naman si Imo sa di kalayuan na nakatingin din sa direksyon ko. Hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin niyang ipinikol sa akin ng mga oras na yon.

Hindi rin naman nagtagal ay naputol ang pagtitinginan namin ng sumulpot sa kanyang likuran ang asungot at kinalabit siya nito. Agad itong ngumiti at sumabay sa paglalakad dito.

What is wrong with her?

And what is wrong with me too?

Nakaramdan ako ng kakaibang emosyon ng makita ko ang ganap. Tila yata may pumilipit sa kanang bahagi ng dibdib ko. Eto ba yung sinasabi nilang selos?

Kung oo, TANG-NA! Ang sakit!

Yung ngumiti lang siya sa iba ang sakit sakit na. Lalo pa nang makita mo siyang kasama ng iba. Sh*t! nagiging emotero ako pero who cares! Ang sakit e!


Isang beses pa akong sumulyap sa kanilang dalawa. Mukhang nag-eenjoy sila habang kumakanta at ang asungot naman ay naggigitara.

Bakit ganun ang tingin niya sakin kanina? May nagawa ba akong masama?


Mayamaya pa ay nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Upon checking on it, alarm pala for the reminders for this week's events. Sa kasalukuyan ay patapos na ang weekdays at katunayan ay weekend na rin bukas. Nang di-nirect ko ang date for next week ay nakita ko ang event next Friday.

IMOGEN'S BIRTHDAY.



*****

"Thank you."

In his hand right now is the gift he'd been preparing to give to Imogenfor her upcoming birthday.  

Upon lifting the box, he opened it to take a look at it. It is a silver necklace with a pendant of a soccer ball.

He smile. He hopes she will love his gift to her.

Habang naglalakad paalis sa mall papuntang parking lot ay nagkataon namang nakasalubong niya ang daddy ni Imogen.

"Good evening po Tito." tawag pansin niya rito.

"Parker, ikaw pala. Hindi mo ba kasama ang anak ko?"

""Hindi po. Mukhang busy ata siya."  'hindi po, may nakabuntot po kasing asungot.' he wants to answer. 

"Yeah. Well, I think she's been preparing for her endorsement sa LEADS MUSICS."

"Seems like he's following your steps tito."

Tumango-tango ito. "I think it goes with the blood." Suddenly his phone ring. "Excuse me. Got to fetch this call." Paalam nito sa kanya at sinagot. Mauuna na sana siyang umalis ngunit kakailanganin pa niyang magpaalam dito.

He didn't intend to eavesdrop but what caught his attention is what Shiloah's phrase.

"Yes... Ready na yung proposal... Of course Mr. Dawson. Siguradong matutuwa ang mga yun. Lalo na ang anak ko...excited yung..." hindi niya na mainindihan ang iba pa nitong sinasabi. Ang huling narinig nalang niya ay ang pangalan ng anak siguro ng kausap ni Shiloah sa cellphone. "...Si Bren."


Anong ibig sabihin niyon? 


Anong proposal?


 Is Imogen getting married?



*******


Thank you for reading! Happy 11K reads To Parker.


To ParkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon