Habang naglalakad este tumatakbo si Princess may nakita siyang isang batang lalaki na nakaupo mag-isa na nakaharap sa may lawa.
"Hi bata! Mag-isa ka lang?"
"May nakikita ka bang kasama ko?" Napairap si Princess sa tono ng pananalita ng batang lalaki.
. kay bilis ng panahon high school na sina Prince at Princess. Naging magbestfriend na din sila dahil sa kanilang mga magulang.
Hindi pa rin nagbabago ang ugali ng dalawa, minsan nga nag-aaway pa pero sa huli bestfriend pa din sila.
Di rin maiwasan na may nambubully sa kanilang dalawa lalo na kay Prince.
"Hahaha. Bakla! Bakla! Bakla!"
Tukso ni Dracu, kababata at kaklasi nina Prince at Princess.
"Eh, ikaw ano ka? Bakulaw?"
Sabi ni Princess. Malaking bata kasi Dracu--I mean mataba.
"Aba't!"
Akmang susuntukin na sana ni Dracu si Princess ng magsalita si Prince.
"Tara na Princess, hayaan na natin siya."
At hinila na ni Prince si Princess palayo kay Dracu. Puro naman reklamo si Princess, dapat raw turuan ng leksyon si Dracu ng di mapagparisan.
---------
Hinihintay ni Prince si Princess sa isang bench malapit sa basketball court, pinatawag pa kasi si Princess sa guidance office dahil may ginawa na naman tong kalokohan.
"Oii! Mag-isa ata si Bakla. Bakit iniwan ka na ba nong amazona mong bestfriend?"
Sabi ni Dracu. Hindi nalang pinansin ni Prince si Dracu, sa halip ay umalis nalang siya. Ayaw niya kasi ng gulo.
"Hoy! Saan ka pupunta bakla ka?"
Binato ng bola si Prince ni Dracu at tumama sa kanyang ulo kaya natumba ito sa sahig, sakto namang dumating si Princess at sinaklolohan ang kaibigan.
"Prince, okey ka lang?"
Pilit namang pinaupo ni Princess sa bench si Prince.
"Nahilo lang ako kunti pero okey lang ako."
"Nahilo? Tapos okey ka lang? Hindi pwede to dadalhin kita sa clinic."
Malapit lang naman ang clinic sa basketball court kaya mag-isang inakay ni Princess ang kaibigan.
Matapos painumin ng gamot si Prince kinailangan pa nitong manatili sa clinic ng isang oras makapagpahinga.
"Princess, san ka pupunta? Wag mo akong iwan dito."
"Sandali lang ako atsaka papunta na rin sina Tita Carmen at Tito Rusty dito. Promise, babalik ako agad."
Ayun nga napapapayag na rin ni Princess sa huli si Prince.
Bumalik ulit si Princess sa basketball court at naabutan pa niya si Dracu at ang mga kasamahan nito na naglalaro pa rin ng basketball.
Nang hindi nasalo ng kasamahan ni Dracu ang bola, gumulong ito at napunta sa paanan ni Princess kinuha niya ito atsaka dinriball-driball.
"Akin na ang bola amazona, di ka naman kasali."
Sabi ni Dracu. Hindi ito pinansin ni Princess at patuloy pa rin sa pagdidriball.
"Ang kulit mo rin noh? Akin na yan."
Lumapit sa kanya si Dracu para kunin ang bola kaya binato niya ito ng napakalakas sa pagmumukha ni Dracu dahilan para matumba ito at may lumabas na dugo mula sa ilong na to.
"Serves you right."
Saka niya iniwan na walang malay si Dracu na agad namang sinaklolohan ng mga kasama at bumalik na sa clinic.
----------
Kinabukasan pinatawag ng Principal ang mga magulang ni Princess dahil sa nangyari kahapon. Sumama na rin ang mga magulang ni Prince dahil hindi naman yun gagawin ni Princess kung di dahil kay Prince.
"Ewan ko sayong bata ka, puro nalang problema ang dinala mo."
Sabi ni Loisa sa kanyang anak.
"Mare, pasensiya ka na kung di dahil kay Prince di sana aabot sa ganito."
Paghingi ng pasensiya ni Rusty kay Loisa.
"Ano ka ba Pare, wala yun at ikaw naman mahal, hindi naman kasalanan ni Princess ang nangyari pinagtanggol lang niya ang bestfriend niyang si Prince atsaka mga bata palang yan lagi na silang binubully nong Dracu na yun."
Hindi na umimik si Loisa, at some point may tama din ang asawa niya. Binaling naman ni Gabriel ang atensyon niya sa anak na nasa tabi kasama si Prince.
"Ikaw naman anak__Tama yung ginawa mo. Tara magcelebrate ta--*Aray!* naman mahal ba't ka nambabatok diyan?"
Nakatikim ng isang malakas na batok si Gabriel galing sa asawa kinokonsenti pa kasi ang ginawa ni Princess.
"Eh, kinokonsenti mo pa yang anak mo. Ewan ko lang kung lumaki yan ng barumbado."
Nagtawanan naman ang mag-asawang Rusty at Carmen, under kasi si Gabriel kay Loisa.
Hindi nila napansin na umalis na pala ang dalawa.
"Tara na Princess."
Sabi ni Prince.
***
Thanks for reading.
-dkc
BINABASA MO ANG
OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]
RandomWag niyo po munang basahin. THIS STORY IS UNDER CONSTRUCTION. HEHEHEHEHEHEHE