ODA 35

3.8K 81 3
                                    

Prince Allison Montemayor's POV

Ang saya-saya ko.

Ang saya-saya ko.

"Hoy! Prince, na ano ka na diyan? Ang lapad-lapad ng ngiti mo?" Sino pa ba nga ba? Edi, ang aking my one and only gorgeous baby Princess Caliyah Garcia.

"Di pa rin kasi ako makapaniwala na tayo na." Sabi ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya.

"Grabe ka naman Prince isang linggo na tayo di ka parin naniniwala baka gusto mo ibreak kita." Napapreno ako bigla sa sinabi niya.

"ANO BA PRINCE BALAK MO BANG MAGPAKAMATAY?"

"Sorry na baby na bigla lang ako. Wag mo naman akong ibreak di ko kaya yun. Sorry na." Sabay halik sa noo niya.

"I love you, baby." Malambing kong sabi.

"Joke lang naman yun. Di naman kita ibebreak. Ikaw talaga muntik na tayong mamatay dun. I love you too, baby."

*tsup*

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Hinalikan niya ako.

.

Hinalikan niya ako sa LIPS.

"Baby, tara na baka malate pa tayo sa graduation." Nga pala graduation na namin ngayon.

Nauna na ang mga magulang namin sa school kasi daw gusto nilang makahanap ng magandang pwesto.

Ewan ko ba dun, sigurado naman may nakaserve na ng upuan para sa kanila. Honor student kaya kami ni Princess. Siya ang 1st ako naman ang 2nd.

Si Meddy pala ang valedictorian namin. Si Nexus naman nakapasok sa 10th honor. Nakakatawa nga eh, dahil chinallenge namin siya na kapag di siya makapasok sa honor list ay ibebreak siya ni Meddy, eh, si Meddy naman ay sumang ayun kaya todo aral ang gag*. HAHAHA.

Si Cliff naman pang 5th matalino din kasi yun. Si Nathan lang ang di nakapasok sa 10th honor list dahil pang 11th siya. Nagmamaktol nga yun dahil siya lang daw ang di makakatung-tong sa stage.
------------------

"KYAAAAAH! SA WAKAS NAKAGRADUATE DIN TAYO!" Sigaw ni Cliff ng natapos na ang program at nagpicture taking na.

"YEAH! AND HONOR STUDENT PA!" Sigaw naman ni Nexus.

"Hahaha. Di ka sana napasali sa honor list kung di ka namin chinallenge. Hahaha" My baby Princess.

"Di ako papayag na ibreak ako ni Babe noh kaya nag-aral ako ng mabuti. Mahal na mahal ko kaya to." Sabi ni Nexus sabay akbay kay Meddy.

"Teka guys, nasan si Nathan?" Meddy.

Oo nga, asan yung gag*ng yun?

"Ayun oh!" Sabi ni baby Princess sabay turo kay Nathan na nagmumukmok sa gilid.

"HOY! NATHAN, HALIKA KA NGA RITO PARA KANG TUKO DIYAN." Siyempre joke lang. Gwapo din yang si Nathan noh! Marami na ngang napapunta sa heaven niyan.

"Narinig ko yun. Anong heaven?" Napalakas ba ang sabi ko?

"Ano ngang heaven?" Kinurot naman ni Baby Princess ang tagiliran ko.

"Aray! Aray! Baby Princess, tama na. Masakit na. Aray!" Daing ko. Ang sakit kaya.

"Umayos ka." *death glare*

Umayos na nga ako. Umayos ng tayo. Takot ko lang kay Baby Princess.

Ayun nga, papalapit na sa amin si Nathan na may kalungkutan sa kanyang mukha.

"Hoy! Pare, ba't ang lungkot mo? Dapat nga masaya ka dahil sa wakas nakapagtapos na rin tayo ng high school." Sabi ni Nexus sabay akbay kay Nathan.

"Eh, kasi naman sino di malulungkot ako lang ang di nakaakyat sa atin ng stage." Yun pala ang kinalulungkot niya?

"Okey lang yun, may next time pa naman sa college atsaka nasa 11th ka naman. Yung iba nga kahit makapasok lang sila sa top 20 okey na kaya wag ka ng malungkot diyan. Dapat masaya tayong lahat." Masiglang sabi ni Baby Princess.

"Guys, picture dali." Mommy ko yan.

"Okey. 1, 2, 3 SMILE!" at nagpost nga kami.

Sobrang saya ko dahil natapos ko rin ang high school at siyempre, nagkita kami ulit ng bestfriend ko na ngayon ay girlfriend ko na.

*****
Epilogue next!

Thanks for reading!

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon