ODA 29

3.4K 83 2
                                    

Cali's POV

Isang linggo ko na ring di nakikita si Allison. Miss ko na si--Miss ko na yung pambubully niya.

Sabi nila isang linggo daw yung convention ng mga ambassadors kaya sa susunod na linggo pa papasok si Allison.

Napakaboring talaga ng araw ko kung wala siya na nambubully sa akin, nasanay na rin kasi ako sa pang-aaway niya sa akin.

Naglalakad ako ngayon papunta sa basketball field mag-isa. Magkasama kasi sina Meddy at Nexus ngayon sa mall bibili daw ng gift para sa nakakabatang kapatid ni Nexus.

Si Nathan, nanghuhunting na naman yun ng mga babae.

At si Cliff, asa naman akong sasamahan ako nun eh, parating may dalaw yun. Napakasungit.

Uupo na sana ako sa isa mga bench dun ng makita ko yung bola na papalabas sa net at--

"Prince, okey ka lang?" Tanong nong batang babae dun sa batang lalaki na natamaan ng bola. Mukhang mga first year pa ito.

Hindi sumagot yung batang lalaki, sapo lang niya ang ulo niya na tinamaan ng bola.
--------------------
*****
Author's POV

Nakikita ni Cali ang kanyang sarili dun sa batang babae.

'Parang nakita ko na tong eksena na to.' Sa isip ni Cali.

Bigla siyang napahawak sa ulo niya ng bigla itong sumakit pero nilabanan niya ito, gusto pa niyang makita ang susunod na mangyayari dun sa dalawang bata.

Inalalayan nong batang babae yung batang lalaki patayo at dinala niya ito sa clinic. Malapit lang din naman ang clinic sa basketball field.

Walang anu-ano'y sinundan parin ito ni Cali kahit na mas lalong sumakit ang ulo niya.

Eager kasi siyang malaman kung anong susunod na gagawin nong batang babae.

Pumasok din si Cali sa clinic at nakita na niyang nakahiga yung batang lalaki sa hospital bed habang hawak ang kamay nong batang babae.

Akmang aalis na yung batang babae ng pigilan siya nong batang lalaki.

"Wag mo akong iwan, Princess." Sabi nong batang lalaki na mas lalong nagpasakit ng ulo niya.

'Arrrgh.' Bulong niya.

"Sandali lang. Babalik ako agad. Promise." Tinanggal nong batang babae ang kamay nong batang lalaki na nakakapit sa kanyang braso.

Wala ng nagawa yung batang lalaki, umasa nalang ito sa promise nong batang babae na sandali lang ito at babalik siya agad.

Lumabas na yung batang babae kaya sinundan ito ni Cali and then she saw the girl inside of the basketball field na may hawak na bola.

"Princess, ipasa mo yang bola." Tiningnan lang niya ito ng masama at-- Binato naman nong batang babae ng napakalakas ang bola, sakto namang tinamaan ito sa mukhang.

Pagkatapos ng insidenting yun di na  sinundan ni Cali yung batang babae pabalik sa clinic kung saan naghihintay yung batang lalaki.

Sapo ni Cali ang ulo niya na mas lalo pa itong sumakit. Di na niya kayang maglakad pa papunta sa clinic kaya nanatili lang siya sa kanyang posisyon.

Nakita ni Allison si Cali na nakatayo sa gilid ng basketball field habang nakahawak ito sa ulo niya.

Kakarating lang ni Allison galing convention at agad niyang hinanap si Cali. Gusto na kasi niyang makita ito. Isang linggo din niya itong di naaaway.

Ayun nga kita niya si Cali agad  tumakbo si Allison papunta sa kinaruruonan ni Cali at sakto lang ang pagdating niya na biglang bumagsak si Cali sa  mga braso ni Allison.

"P-prince." Yun ang huling sinabi ni Cali kay Allison bago mawalan siya ng malay.

*****
I think malapit na itong matapos. Hehehe.

Thanks for reading!

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon