ODA 31

3.6K 79 3
                                    

Note: Yung naka*asterisk* POV po yan ni Cali sa present and the rest is panaginip niya. :)))
============================
Cali's POV

Kasalukuyang nakahiga ang isang batang lalaki at AKO?

*Sino tong batang lalaki? Di ko masyadong naaninag ang mukha niya.*

Nakahiga kami sa balkonahe ng tree house namin habang pinapanuod ang mga bituin sa kalangitan.

*Naalala ko na ang part na to.*

"Princess, what If aalis ako ma--" Sabi nong batang lalaki.

"Aalis ka? Iiwan muna ako dito? Sabi mo walang iwanan." Napalingon naman agad ako sa kanya.

"Aish! Ikaw talaga, what If lang naman. Di kita iiwan." Sabi nong batang lalaki sabay gulo ng buhok ko.

"Akala ko aalis ka talaga. Wag mo akong iwan huh, diba bestfriend tayo forever." Ako.

"Hindi. Bestfriend forever." Yung batang lalaki.

"Promise?" Ako.

"Promise." Yung lalaki.

At nagpinky promise kaming dalawa.

-----------

"Sabi mo bestfriend tayo forever. Sabi mo walang iwanan pero bakit ngayon aalis ka?" Umiiyak kong sabi habang hawak ko ang isang picture namin nong batang lalaki.

"Napakasinungaling mo. Ayaw ko na sayo."

"Princess!" Yung batang lalaki.

"Napakasinungaling mo. Nagpromise ka pa nawalang iwanan tapos ngayon aalis ka.."

"I'm sorry Princess di--"

"Umalis ka na. Wala na akong bestfriend."

Napayuko nalang yung batang lalaki at umalis.

*Parang naalala ko na ang susunod na nangyari.__Prince. Tama! Yun yung pangalan nong batang lalaki, yung bestfriend ko.*

.

"PRINCE! PRINCE! PRINCE!"

--------------------

"PRINCESS! PRINCESS!"

"PRINCE?"

"Thank God gising ka na." Bigla niya akong niyakap.

Namiss ko to. Namiss ko si Prince.

Di ko ikinala na matagal ko na palang kasama ang bestfriend ko.

Pero teka,

"Kung ikaw nga si Prince. Bakit di mo ako nakilala? May amnesia ka rin ba?" Dapat nakilala na niya ako nong una palang  naming pagkikita.

Pero hindi eh, at isa pa lagi pa niya akong binubully.

"Pasensiya naman oh! Di kasi kita nakilala. Iba na kasi yung itsura mo ngayon, maganda." Napakamot naman ng ulo si Prince.

Ang cute niyang tingnan nun.

"So, sinasabi mong pangit ako no'n?" Walang ya to! Siya pa nga tong laging pinagtatanggol tapos sasabihin niyang pangit ako no'n.

Aba! Walang utang na loob.

"Wala naman akong sinabing pangit ka Princess, maganda pa rin pero ngayon mas lalo kang gumanda." Asus! Nagpapalusot pa, alam ko naman yung pinapahiwatig niya.

"Tama na nga yan, baka magkatampuhan na naman kayo niyan. Princess, kumain ka mansanas para naman gumaling ka agad." Inabutan ako ng mansanas ni Mama na binalatan na.

Gamot ba itong mansanas na kapag kumain ako gagaling din ako agad?

"Diba anak, a apple a day keeps the doctor away kaya kumain ka ng marami. Prince, ipagbalat mo nalang siya kapag naubos na yung mansanas niya. Kakausapin ko muna yung doktor nitong si Princess." Lumabas na si Mama na may ngiti sa labi kasama si Papa.

Anong ikinangiti nun?

"Hehehe. Masosolo na rin kita sa wakas my Princess." Nakakalokong ngiti ang rumehistro sa pagmumukha ni Prince.

Anong iniisip ng unggoy na to?

"Miss na miss na miss na kita Princess." Bigla nalang niya akong niyakap ulit.

At si ako naman yumakap din. Miss na miss ko na rin kaya tong Prince ko.

Wait? Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Hindi ka na naman ba pumasok?" Kwento ni Mama araw-araw na tong nandito simula nong dinala niya ako rito. Tatlong araw akong tulog ibig sabihin tatlong i mean apat na araw (kasama yung araw na dinala ako rito) na siyang hindi pumapasok.

"Hehehe. Nagpaalam naman ako kay Ms.Custodian kaya nothing to worry."

"Anong nothing to worry ka diyan? Graduating na tayo. Ako nga atat na pumasok. Ikaw nothing to worry lang. Wow huh!" Ibang klasi talaga tong lalaking to, parang di na siya si Prince nakilala ko noon na takot umabsent.

"Sigurado na naman akong pasado ako kaya nothing to worry. Hahaha." Taas ng confidence level.

"Ewan ko sayo. Makatulog na nga." Tinaklob ko na yung kumot sa mukha ko ng di ko na siya makita.

"Dapat lang magpahinga ka na para gumaling ka agad at maligawan kita." Ano raw?

"Anong yung sinabi mo?" Napatingin ako sa kanya na ngayon ang lapad ng ngiti.

"Hahaha. Wala ng ulitan sa bingi. Sige na Princess matulog ka na dito lang ako di kita iiwan." Di na siya nagpromise.

Oo nga naman, PROMISES are meant to be broken.

Makatulog na nga.

*****
Thanks for reading!

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon