Cali's POV
Balik aral naman ulit kami malapit na kasi yung final exam namin at malalaman na din namin kung makapasa ba kami o hindi.
Maayos naman natapos ang field trip slash retreat namin sa bogenVILLA. Hindi ako nakasali sa huling activity which yung Treasure hunt kasi nga diba suspended ako pero ayos lang.
Hindi na rin pala nagpakita o pumasok man lang si Monique after nung pinagbintangan niya akong nagnakaw ng kwentas niya. Sabi ni Ms.Custodian may emergency daw sa kanila pero hanggang ngayon di na siya pumasok.
"Oi! Cali, pahiram naman ng notes mo sa physics tinatamad akong kuhanin yung akin sa locker." Siya lang po ang nerd na nakilala kong manghihiram ng notes dahil tinatamad siyang kuhanin yung kanya.
Nandito kami sa mini park ng school nag-aaral may quiz kasi kami mamaya at malamang hindi kami nag-aral na dalawa dahil inuna pa namin ang magtsismisan.
"Girl, alam mo ba ang balita? Nagtransfer na daw si Monique kaya pala di na natin siya nakikita."
Napanting ang dalawang tenga ko ng marinig ang dalawang babaeng nag-uusap di kalayuan sa amin ni Meddy.
"Nagawa pa niyang magtransfer eh, isang buwan nalang gagraduate na tayo."
Oo nga, pinapahirapan lang niya ang sarili niya atsaka pwede pa palang magtransfer eh, malapit na ang graduation ah.
"Eh, kasi naman nakita sa cctv camera na ginawa niyang pagtago ng kwentas niya sa mga gamit ni Cali. Grabe! may cctv camera pala sa mga kwarto namin, buti nalang di ako nagpapalit ng damit sa kwarto."
Ibig sabihin pakana talaga ni Monique ang pagnakaw kuno ng kwentas niya tapos sa akin ibibintang.
Wala naman akong naisip na ginawang kasalanan sa kanya. Bakit ginawa niya sa akin to?
Hindi ko na nasundan ang pinag-uusapan nila dahil kinalabit ako ni Meddy. Malapit na pala ang time kaya agad na kaming umalis sa mini park at nagtungo na sa classroom namin.
Ngayong alam na ng lahat na di totoo ang ibinibintang sa akin, bumalik ulit ang dating tingin sa akin ng mga kaklase ko at yung iba naman ay humingi pa ng tawad dahil hinusgahan nila ako.
Ako naman itong si mabait pinatawad ko sila. Hindi naman kasi big deal sa akin yun ang mahalaga malinis na ang pangalan ko.
-------------------Natapos na din ang quiz namin at siyempre nakakuha ako ng 47 over 50, nakalimutan ko kasing balikan yung tatlong di ko nasagutan kaya consider wrong na yun.
"Cali, tara na sa cafeteria baka aalis na yun." Ewan ko ba dito kay Meddy minamadali ako eh, hindi naman tatakbo yung cafeteria.
"Di nga Meddy, yung cafeteria ba aalis o yung lalaking hinihintay ka dun." I'm referring to Nexus her boyfriend.
Bigla naman siyang namula habang naglalakad kami papuntang cafeteria.
Asus! Inlove na inlove na talaga tong si Meddy kay Nexus.
Pagkadating namin sa cafeteria, agad naman naming nakita si Nexus na kumakaway sa amin kasama yung dalawa pa nilang kaibigan na sina Cliff at Nathan.
Asan si Allison?
"Wala si Allison. Pinatawag siya ni Madam Principal." Di ko namalayan nasa harap na pala kami ng mesa nina Nexus.
At wait... Did they answer my question in my mind?
Are they mind reader?
"Hindi kami mind reader. Obvious kasi sa mukha mo na hinahanap mo si Allison." Cliff.
"Ayiiee! May gusto ka na kay Allison noh? Amin-amin din pag may time." Nathan na may nakakalokong ngiti.
Ewan ko ba parang namula ata yung mukha ko.
"Oyyy! Namumula siya. May gusto ka nga kay Allison. Matawagan nga yung gag*ng yun." Akmang kukuhanin na nga ni Nathan yung pigilan ko siya.
"Wag mong gagawin yan. Hindi ko gusto si Allison at hindi talaga ako makakagusto sa bully na unggoy yun." Teka, ba't napakadefensive ko.
"O-okey. Wag kang masyadong defensive napaghalataan ka na. Hahaha." Sabi ni Nathan habang tumatawa pati sina Nexus, Cliff at Meddy nakikitawa na rin.
Pakiramdam ko pinagkaisahan ako ng apat na to. T_T
*****
Thanks for reading!-dkc
BINABASA MO ANG
OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]
RandomWag niyo po munang basahin. THIS STORY IS UNDER CONSTRUCTION. HEHEHEHEHEHEHE