chapter 2 "NOON"

11 2 0
                                    

*Flashback*

NANAY POV

Maaga akong gumising ngayon dahil pasukan na naman, kaylangan ko ng magsaing para sa mga anak ko,

'' Hay! Dyos ko naman! Ang dami ng lilinisan at gagawin ngayun! Di bali, gigisingin ko nalang yung anak ko na si Cef para matulungan nya ako dito, bago sya pumasok sa paaralan.''
pinuntahan ko sya sa kwarto nya,

'' Cef bumangun kana dyan ala sais na! Maliligo kapa at mamalansya sa mga uniforms nyo! Gumising kana dyan! ''
tinapik ko sya sa may pwet nya...
umalis na ako ng nakita ko syang gumalaw at nag.unat...

CEF POV

*yawn*

'' Inaantok pa ako,'' mahina kung boses sabay kamot sa ulo ko,kinuha ko ulit yung unan ko at niyakap.Antok na antok pa ako ngayon, si nanay naman kasi,ginising nya ako ng maaga okay lang naman malate ngayon dahil first day of school pa at pwedeng hindi muna mag.uniform...hahay!! makatulog nga ulit.

'' Anak! Bumangun kana !! Kung hindi kapa babangun dyan! paliliguin kita ng kumukulong tubig! '' galit na tono ng boses ni nanay.

'' Opo nay! andyan na po! Babangun na po! '' Binagalan ko ang pagbangon ko, yung mga mata ko nakapikit pa,hindi ko masyadong naaninag ang buong kwarto ko.

*yawn*

Itinaas ko ang dalawa kung kamay para mag.unat unat. Pagkatapos ay bumaba na ako sa higaan, before ako lumabas sa kwarto ay tumingin muna ako sa salamin para naman makita ko yung itsura ko.
Sa pagkakakita ko,magulo yung buhok ko pero di ko pinansin yun, lumabas na ako sa kwarto at dumiritso na sa c.r para maghilamos sa mukha ko, pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para magtimpla ng gatas at kumuha ako ng isang tinapay para ipares sa gatas. Uso kasi sakin ang magmorning snack, nasanay kasi ako simula nung bata pa ako. Pagkatapos ko magsnack ay bumalik ako sa kwarto ko para maglinis. Pagkatapos kung linisin ang buong kwarto ay naligo ako at namalansya sa uniform namin, yun kasi utos ni Nanay.

BIHIS.....

KAIN.....

TOOTHBRASH.....

DONE.....!!!

'' Nay!! Papasok na po ako! Bye! '' sigaw ko.

'' Tika anak! May baon ka ba? '' tanung ni nanay at kinuha ang kanyang wallet sa bulsa ng saya nya.

'' Wag na po! May natira pa po akung pera kahapun, salamat po nay.'' Tangi ko.

'' Sure kaba?'' Seryosong tanung nya. Ngumiti ako at niyakap ko sya.

'' Nay kaylan pa ako hindi sure? Hmmm.... i love you nay! Mag.ingat ka po dito, wag magpagod sa paglilinis.'' mahigpit kung niyakap si nanay para maramdaman nya kung gaanu ko sya kamahal. Ngumiti sya at hinaplos haplos yung ulo.

'' Mahal ko din kayo anak, oh sya sige ! Umalis kana baka ma late kapa sa first day of school mo! Mag enjoy ka lang,okay?'' wika niya. Yumango lang ako, before ako umalis humalik ako sa noo ni nanay. Pagtapos ay lumabas na ako ng bahay para pumasok na ng paaralan, di ko sinama yung bunso namin dahil ihahatid lang sya ni nanay sa school nya. Excited yung first day ko, im sure may transfere kami ngayon and im sure nandon narin yung mga kaibigan ko,.

'' Excited much! ''

Hindi uso sakin ang sumakay ng jeep patungong paaralan namin,dahil maaga pa naman lalakarin ko nalang patungong sa school.


                      * * * * *


Pagdating ko sa school ay agad akung pumasok sa loob,dahil first day of school maraming nakastandby sa may gate. Biglang tumunog yung school bell at nagsintakbuhan ang mga estudyante sa ground, syempre Flag ceremony na kasi saktong sakto ang pagdating ko. Katulad ng ibang estudyante nag line kami by our year level. Matagal tagal din kaming nakatayo dito dahil nag speech pa yung principal namin about sa rules and regulation ng school. Pagkatapos nyang magsalita ay nagsialisan na ang lahat ng estudyante at pumunta na yung iba sa room nila at ang iba hindi pa dahil bagohan pa di kabisado ang campus. Naglakad na ako patungo sa magiging room ko,pagdating ko sa room napangiti ako dahil last year ko na to, sa susunod na taon ay gragraduate narin ako.
Napasimangot naman ako ng may tumapik sa braso ko, ginugulo pa naman yung daydream ko? Napa talikod ako para makita ko yung taong nagtapik sakin. Natuwa naman ako dahil nakita ko sina Mar, Renren at Chris. Alam nyo masaya ako dahil ang swerte ko at naging kaibigan ko silang tatlo.

'' Good morning bestfriend!'' bati sakin ni Mar at ang dalawa ay nakangiting kumaway sakin.

'' What's good in the morning? Bakit parang ang saya saya nyo ngayun? Anung meron? May budol-budol fight ba mamaya?'' naka cross arm kung tanung sa kanilang tatlo. Bigla nalang akong tinulak ni Chris at tumawa.

'' Tae ka naman Cef!'' sigaw nito.

'' Eh anung meron ngayun?!'' tanung ko ulit habang naglalakad para maghanap kung san kami uupo.

'' May transfere tayo ngayun sa pagkakaalam ko, galing daw sya sa mayaman na angkan at ang pogi nya daw?! Excited tuloy akong makita ang Mr. Right ko!'' kinikilig na sabi ni Mar.

'' Anung meron kung may transfere ngayun? Wala naman akung pakialam sakanya kahit Alien pa sya! He can do what ever he want!'' pasimpleng sagot ko.

'' Kahit kaylan talaga ang KJ mo!'' sigaw ni Renren sakin.

'' Dito nalang tayo uupo? '' sabay turo sa bakanting upuan.

'' Hay! Nakakasira ka naman ng mood! Mag.isa kang umupo dyan sa likod,dun na kaming tatlo sa harapan.'' naiinis na wika ni Mar at umalis na sila sa tabi ko at pumunta na sa may bakanting upuan sa harap.

Umupo nalang ako at kinuha ang phone ko para matapos kung basahin ang Wattpad stories na sinubaybayan ko. Alam kung hindi pwede ang phone sa class hour kaya tatapusin ko nalang ang pagbabasa nito baka mamaya papasok na ang adviser namin.

"My Treasure Is Only My Memories"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon