Weirdo #1

145 13 7
                                    

Nauna pang magising si Axel kaysa sa  mag-ring ang kanyang alarm clock. Bumangon na ito mula sa kanyang kinahihigaang kama saka dahan-dahan na nagtungo sa banyo para maligo. Ngayon ay araw ng Lunes. Isang linggo na naman siyang maghihintay bago makapaglaro muli ng video games at puro libro na naman ang hawak niya sa loob ng limang araw.

Matapos niyang maligo at magbihis ay bumaba na siya para kumain. Nakita niya ang kanyang ate Alora na naghahain ng pagkain sa hapag-kainan nila.

"Oh, gising ka na pala." Wika ng ate niya. "Ang aga naman yata? Ala-singko pa ah." Dagdag pa nito.

Umupo naman siya sa upuang lagi niyang pwesto.

"Kumusta naman ang buhay college?" Pangungumusta ng ate sa kanya.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung nagsimula ang klase nila. Nasa ika-unang taon pa lang siya ng kolehiyo. Ang kanyang Ate Alora na rin ang tumatayo nitong nanay at tatay simula nung iniwan sila ng ina nila na noo'y OFW. Habang naghahanapbuhay sa Israel ang kanilang ina noon, may nakilala itong mayamang lalaki at nagkaroon ng relasyon, gumawa na rin ng bagong pamilya. Noong high school pa si Axel ito nangyari. Di naman nakakalimot noon ang kanilang ina na padalhan sila. Pero ngayong kaya ng buhayin ni Alora si Axel, lumipat na sila sa isang subdivision at dito na namumuhay ng tahimik. Wala na rin silang balita sa ina nila simula no'n.

"Okay lang naman, ate. Marami naman akong nakilala at naging kaibigan."

"Mabuti naman kung ganon. I-enjoy mo lang 'yang pagiging college mo pero h'wag pa rin pababayaan ang pag-aaral." Pagpapaalala nito sa kanyang nakababatang kapatid. Napansin niya ang kapatid na tila may malalim itong iniisip. "May problema ba, Axel?" Natauhan ang binata nang tanungin siya ng ate nito.

"Hindi naman siya problema, ate. May nakasalamuha lang ako na weird na babae last week." Pagku-kwento ng binata sa ate.

"Paanong kakaiba? Foreigner ba siya?"

"Hindi, ate. Para siyang... para siyang...baliw?"

"Hoy Axel ah! Di kita tinuruan ng ganyang ugali." Saway ni Alora

Nagkwento na lang si Axel para maintindihan ng kanyang ate ang gusto niyang sabihin. Kinuwento ni Axel na yung tinutukoy niya na kakaiba ay isang babae weirdo. Kaya niya nasabi na kakaiba ito dahil ang tipo ng babaeng na ito ay...

"Bigla na lang siyang tumili no'ng makita ako." Patuloy na pagkukwento niya. Nanatili namang nakikinig ang ate niya.

"Baka naman nagwapuhan sa'yo. Gwapo talaga ng bunso ko." Pang-aasar na naman niya sa binata sabay gulo sa buhok.

"Ate ano ba! 'Yung buhok ko baka magulo." Saway nito sa ate Alora niya. "May mga sinasabi kasi siya sakin na hindi ko maintindihan. Sinasabi niya sakin na may kamukha ako. Tapos kung ako ba daw talaga 'yun. Hindi ko naman alam kung sino 'yung tinutukoy niya."

"Baka naman napagkamalan ka lang ng babaeng 'yon."

"Baka nga."

"Alam mo naman ang gwapo ng bunso ko at madami ka talagang kamukhang artista." Biro na naman ng kanyang ate sa kanya.

"Ewan ko sa'yo, ate. Pero ang weird ng aura niya."


•••••

"JIMIN OPPA!" Napahinto siya sa paglalakad ng makita niya sa harap niya-- hindi naman makalayuan ang distansiya niya sa babae.

Ako na naman ba ang tinatawag niya?

Patakbong lumapit sa kanya ang babae na kinuwento niya sa Ate Alora niya kanina.

"Jimin oppa..." May pag-aalinlangan pa siyang tumingin sa babae habang tinatawag siya na ganon sa harap nito mismo. Pakiramdam niya rin na nagpapa-cute pa ito sa kanya.

"Ano nga ulit ang tawag mo sakin?" Medyo masungit na pagtatanong ni Axel sa dalaga.

"Ji.min O.ppa. Jimin oppa!" Saka binigyan niya ng ngiti ang binata. Kulang na lang na mag-cringe siya sa harap ng babaeng na 'to.

"Axel ang pangalan ko. Hindi, Jimin." Pagtatama niya.

"Alam ko naman 'yun. Nakikita ko kaya sa I.D mo." saka turo ng babae sa I.D niya. "Pero kasi kamukha mo talaga 'yung oppa ko. Kaya tinatawag kita na Jimin. By the way, lagi na tayong nagkikita pero di mo pa yata alam name ko."

As if gusto kong malaman.

"Ako nga pala si..."

"PAMELAAAA!" Pareho silang napalingon sa babaeng tumawag sa babaeng kaharap ni Axel.

"Aish! Epal talaga ng twinnie ko!" Inis na bulong ng dalaga. Tiningnan niya ng masama ang kaibigan nitong tumatawag sa kanya saka lumingon muli kay Axel. "Ako nga si Pamela. See you around, Jimin ko." Kumaway siya sa binata habang papalayo sa kanya.

Ano raw? Jimin? Ko? Hindi ako si Jimin. Sino ba 'yang lintik na Jimin na 'yan!

"Bakit pa kasi nagkrus landas namin ng babaeng 'yun. Kainis!" Inis na wika ng binata sa sarili.

Napatingin siya doon sa tumawag sa babaeng nagngangalang Pamela. Nakita niya ang isang babaeng mahaba ang buhok at maamo ang mukha. Parang... Parang pamilyar ang babae 'yon? Lalapit sana siya ng konti para makita ang itsura ng babae pero naglakad na sila papasok ng campus.

"Parang si... pero impossible kung siya 'yon."

••••••
Hi to all readers and my co-kpoppers out there! Another story of mine na naman. Jusko, pang-ilang edit ko na 'to and I wish matapos ko na ito. Huehue. Sana suportahan niyo po ako dito. Hihihi. Thank you sa pagbabasa. I hope you enjoy po. Please do comment if anong masasabi niyo sa unang part ng story. I will do my best para lalo pong mapaganda ang flow ng story. Salamat po~

She's A WeirdoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon