Weird #2

86 6 3
                                    

"Sino na naman 'yong kausap mo?" Nagtatakang tanong ng kaibigan ni Pamela na si Stacey. Hindi pamilyar sa kanya ang lalaki.

"Grabe ka naman sa word na NA NAMAN, twinnie. Si Jimin lang 'yun." Lalo namang nagtaka ang kaibigan ng dalaga. Kilala ni Stacey kung sino si Jimin sa buhay ni Pamela kaya impossibleng si Jimin talaga 'yung kausap niya kanina. At kung si Jimin man 'yun, dapat kanina pa siya pinagkakaguluhan.

"Hoy!" Natauhan na lang si Stacey nang gulatin siya ng kaibigan. "Di naman talaga si Jimin 'yun. Kalook-alike niya lang. Siya 'yung kinukwento ko sa'yo last week na oppa ko." Tumango na lang ito bilang sagot para hindi na humaba ang usapan nila.

Naglakad na rin sila papasok ng campus saka naghiwalay rin ng way dahil hindi sila pareho ng section/block. Matapos ang kanya-kanya nilang klase, nagkita ang dalawang magkaibigan sa canteen. Doon ang tagpuan ng dalawa after ng klase nila or break time nila.

Habang hinihintay ni Pamela si Stacey, kinuha nito ang celpon at earphone, saka nilagay ang earphone sa magkabilaang tenga. Busy itong nanonood ng comeback stage ng paborito niyang korean boy group na BTS. Na kahit paulit-ulit na 'yung video na 'yun, pinapanood niya pa rin.

"KIM NAMJOON! KIM SEOKJIN! MIN YOONGI! JUNG HOSEOK! PARK JIMIN!" Napatigil siya nang makita niya ang pamilyar na lalaki sa canteen. "Park Jimin? PARK JIMIN!!!!" Tumayo siya sa kinauupuan niya at tinawag si Axel. "JIMIN OPPA! JIMIN! YAH! OPPA!" Walang humpay nitong pagsigaw with matching kaway pa kay Axel. Pinagtitinginan na rin siya ng mga estudyante sa canteen. Walang natanggap na paglingon ang dalaga mula sa binata.

"Pamela!" Napalingon siya sa tawag ng kaibigang si Stacey.

"Nandyan ka na pala." Nilapitan niya ang kaibigan saka itinuro kung nasaan si Axel.

"Sinong sinisigawan mo? Akala ko naman may kaaway ka." Tanong niya kay Pamela.

"Nakikita mo 'yung lalaking 'yun?" Turo niya sa kinaroroonan ni Axel.

"Twinnie, ang daming lalaki diyan oh." Sagot ni Stacey.

"Tingnan mo kasi kung saan ako nakaturo. Ayun siya oh, si Jimin. Nakikita mo 'yang si ateng girl na bumibili, 'yung nasa likod niya na lalako. 'Yun si Jimin. Oh, ayan! Kita mo na? Siya 'yung oppa ko, twinnie! Wait, tatawagin ko siya." Sisigaw na sana si Pamela nang pinigilan siya ni Stacey at sumenyas na wag ng tawagin dahil pinagtitinginan na siya.

"Alam mo, kumain na lang tayo. May pagkain ako dito, good for two. Tamang-tama satin." Saka inilabas ni Stacey ang mga pagkaing dala. Tuwang-tuwa naman si Pamela sa nakitang mga pagkain.


•••••
"Pano ko kaya maaangkin si Jimin ko?" Muntikan ng mabilaukan si Stacey dahil sa tanong ni Pamela na wala sa katinuan. "Aray ko!" Nakatanggap ng batok sa ulo si Pamela mula sa kaibigan kaya siya napaaray.

"Anong pano mo kaya maaangkin si Jimin? Hibang ka na ba ha?" Inis na sermon nito kay Pamela.

"Twinnie, iba naman 'yung ibig kong sabihin eh. Ganon lang talaga ang term ko pero iba 'yun sa naiisip mo. Gusto ko talaga maging close kami no'ng lalaking 'yon, twinnie." Pagpapaliwanag nito kay Stacey na nakakunot na ang noo.

"Ayusin mo kasi 'yang mga salitaan mo, twinnie. Ako 'yong naloloka sa'yo eh." Wika ni Stacey.

Tumayo si Pamela saka tumabi sa kinauupuan ni Stacey. Kumapit ito sa braso ng kaibigan niya kaya nagtaka si Stacey sa kinilos ng kaibigan. "Ano na naman 'to?" Medyo iritang tanong sa kaibigan.

"Ano kasi... Possible ba mangyari ang love at first sight?" Biglang tanong ni Pamela sa kanya. Napataas ng kilay ang kaibigan nito.

"Possible naman na mangyari 'yong ganon pero parang ang bilis naman yata ng ganon diba? Para mas makasigurado ka kung love nga 'yon, mas magandang obserbahan muna para sa huli di ka magsisi at masaktan. Teka..." Napatingin si Stacey sa kaibigan at binigyan lang siya ng ngiti nito. "Hoy, h'wag mong sabihing inlove ka na sa Jimin mong 'yun?"

She's A WeirdoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon