"Kumusta 'yong luto ko? Okay lang ba? Masarao ba?" Sunud-sunod na tanong ni Pamela nang makaisang subo na si Axel. Hinihintay niya ang sagot nito pero sumubo pa ito uli.
"Ano? Masarap ba?"
"Alam mo bang ang ingay mo kanina? Hindi tuloy ako makatulog ng maayos." Bumagsak ang mga balikat ng dalaga dahil sa sinabi ng binata. Nag-eexpect pa naman siya na nasarapan si Axel sa niluto niya. Humakbang na siya papaalis sana ng kusina nang nagsalita ang binata na ikinatuwa ng dalaga.
"Okay naman 'yong luto mo." Unti-unting ngumiti ang dalaga at bumalik sa kinaroroonan ng binata. "Pero masarap pa rin ang luto ni ate." Dagdag ng binata pero nakangiti pa rin ang dalaga. Lubos siyang nasiyahan dahil kahit papano ay nagustuhan ng binata ang luto niya.
"Akala ko di mo nagustuhan ang luto ko."
"Hindi na siya masama. Nakakain pa rin naman." Medyo na tawa ang dalaga.
Hindi napansin ng binata na nakakailang sandok na siya sa spaghetti. Si Pamela naman ay tuwang-tuwa sa binatang kumakain. Pakiramdam niya tuloy para siyang nagpakain ng paboritong meryenda sa kanyang anak.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Umiling lang ang dalaga. Habang tinitingnan niya ang binata, may mga tanong siyang gustong itanong dito.
"Pwede ba magtanong?" Paalam ni Pamela. Tumango naman ang binata.
"Nagkagirlfriend ka na?" Muntikan ng mabilaukan ang binata dahil sa tanong niya. Mabilis naman nagbigay ng tubig ang dalaga kaya ininum ito agad.
"Anong klaseng tanong 'yan?" Medyo iritang tanong niya kay Pamela.
"Nacurious lang naman ako. Kahit wag mo na sagutin 'yong tanong kong 'yon. Iba na lang ang itata--" Hindi natapos ang sasabihin ni Pamela dahil nagsalita si Axel.
"Ako ang may itatanong sa'yo." Naghintay ang dalaga sa itatanong niya. "Hanggang kailan ka dito?" Nakaramdaman ng panghihina si Pamela dahil sa tanong ng binata. Ayaw niya ba talaga na nandidito ako?
"Siguro... kapag bumalik na dito si kuya Patrick ko." Mahinahong sagot niya. Kung kanina ay nanghihina siya, ngayon ay mabigat na ang nararamdaman niya.
"Ayaw mo ba talaga na nadidito ako?" Natigilan ang binata sa kinakain nito. Hindi siya agad nakasagot sa tanong ng dalaga. Naramdaman niya rin na medyo naoffend ang dalaga sa tanong niya. Sasagot na sana siya nang bigla itong umalis sa kusina.
•••••
Pamela's POVGanon niya ba ako kaayaw? Ilang beses niya ng tinatanong sakin kung hanggang kailan ako dito sa bahay nila. Malay ko ba! Kahit ako hindi ko alam kung kailan ako dito. Ang alam ko lang, kapag nakauwi na ng Pinas si kuya may posibilidad na aalis na ako dito.
Dahil nalulungkot ako, tinawagan ko ang kuya ko sa messenger. Nagvideo call kami.
"Kuyaaaaa!" Iyak na bungad ko kay kuya nang sagutin niya ang tawag ko.
"Oh! Bakit ka umiiyak?"
"Busy ka ba kuya? Namimiss na kitaaaaaa! Waaaaah!" Sana nandito na lang siya. Sana di ko na lang siya pinayagan umalis eh.
"May problema ba? Miss ka na rin ni kuya."
"Kailan ka ba kasi uuwi dito! Gusto na kitang makasama!" Sigaw ko sa kanya dahil naiinis ako dahil miss na miss ko na siya.
"Sshhh! Para di ka maging malungkot, guess what? May ipinadala na ako diyan sa Pinas." Nakangiting tugon niya sa kabilang linya. May ipinadala siya dito? Omggg! Hulaan ko nga.
Nagpunas agad ako ng luha dahil sa sinabi niya at dahil na rin sa ideyang naiisip ko.
"Oh my gowd kuya! Paborito ko ba to?" Unang tanong ko sa kanya, tumango siya.
"Bagay ba 'to?" Tumango naman siya uli
"Waaaah! Kpop ba 'to? Waaaah! Kpop merchandise ba 'to kuya?!!" Nang makita ko siyang tumango, napaiyak ako lalo. Napaiyak ako sa saya. "Kuya, you're the best!" At binigyan ko siya ng dalawang thumbs up.
"Baka bukas nandiyan na 'yon." Binigyan ko muli siya ng thumbs up at flying kiss. "Oh ayan, di ka na magiging malungkot ah. Binigyan na kita ng kaligayahan."
Matapos ang aming video call ni kuya, 'yung lungkot na naramdaman ko kanina ay nawala. Saya at excite na ang nararamdaman ko ngayon. Kuya, the best ka talaga. Diyan ka na lang para lagi ako may padala mula sayo. Syempre keme lang. Masaya pa rin na nakakasama ko ang kuya ko.
May kumakatok sa labas ng kwarto ko. "Pamela, nandiyan ka ba?" Napabangon ako sa aking kama nang marinig ko si ate Alora mula sa labas. Nandito na pala siya.
"Hello, ate. Nandito na po pala kayo." Bati ko kay ate Alora nang makita ko siya.
"May pasalubong ako. Tara sa baba?" Aya niya sakin kaya sumunod naman ako sa kanya sa baba.
Nang makababa na ako at makarating sa sala, nagulat ako sa nakita ko. OH MY GAWD. IS THIS REAL? FCKING REAL?
Napatingin ako kay ate Alora, binigyan ko siya ng "Totoo ba 'to, ate?" na tingin. OMG!
Tumango siya bilang sagot.
What did I just saw?
Ano pa ba ang makakapagpasaya sa isang fangirl?
Edi, ito...
Yes, Kpop merchandise. And I swear, hindi ito 'yong mga pinadala ni kuya Patrick.
"A-akin po ba 'to lahat?" Tumango na naman si ate Alora. Paksyet gusto ko magmura, alam niyo 'yon?! Dahil sa feels na naramdaman ko.
Gusto ko sumigaw sa tuwa! Jusko! Halp! Di ko kinaya 'yung solo poster ni Jimin. Waaaah! Ang daming Jimin! Syet! Syeeeeet!
Habang nagsisigaw na ang mga laman ko sa loob ng katawan ko dahil pati sila kinilig sa mga nakita ko, may biglang nag-interrupt.
"Nagustuhan mo ba?" Nagtaka ako sa tanong niya. Tiningnan ko si ate Alora na may pagtataka pero binigyan ako ng nakakalokong ngito.
Ate Alora, explain this. Ano 'yung sinasabi niya Axel? Hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
She's A Weirdo
HumorPaano kung may ibang mundong ginagalawan ang taong mahal mo? Gigisingin mo ba ito sa reyalidad? O papasukin mo na lang ang mundong ginagalawan niya?