Weirdo #3

55 6 4
                                    

"Axel, pakihatid naman si Pam sa magiging kwarto niya." Utos ng Ate Alora kay Axel. Tatanggi pa sana ito pero pinandilatan na naman siya kaya sumunod na lang ito.

Binuhat na ni Axel ang isang maleta. "Oh, bakit isa lang ang bitbit mo, Axel? Dalhin mo na rin 'tong karton para di ka bababa para kunin 'to." Dalawa lang kamay ko ate. Tingin mo kaya kong bitbitin lahat? Ang laki-laki pa ng maleta at karton. Inis na kinuha niya 'yong karton. Wala namang siyang magagawa once na nagreklamo siya. Maya-maya ay nakahalata si Pamela na nahihirapan si Axel sa pagbitbit ng mga gamit niya.

"Omo! Tulungan na kita oppa." Suhestyon nito. 

"Wag na. Nakakahiya naman sa bisita." Iritang sabi nito sa dalaga. Ngayon mo lang talaga napansin kung kailan malapit na tayo sa magiging kwarto mo? Galing.

"Akin na, tulungan na kita diyan." Saka niya kinuha ang iyong maleta kay Axel kung kailan nasa tapat na sila ng kwarto ng dalaga.

"Ano bang laman ng karton na 'to? Bakit ang dami mo yatang dala?" Naging curious ang binata sa laman ng kartong bitbit nito. Pwede naman kasing isang maleta lang dalhin niya. Ang laki na nga ng maleta niya eh, kasya na siya diyan.

"Nandiyan kasi 'yong mga bagay na importante sakin na di ko pwedeng iwan sa bahay namin kaya dinala ko na lang di--" Hindi natapos ng dalaga ang sasabihin niya dahil sa pagsingit ng binata.

"Hanggang kailan ka ba dito?" Nasa iritang tono ng tanong ang binata sa dalaga.

"Grabe, sa tono ng boses mo parang gusto mo na yata akong paalisin. Siguro ayaw mo na nandito ako?" Buti alam mo. "Hindi ko pa alam kung hanggang kailan ako dito eh, kasi mukhang matatagalan pa ang kuya ko sa pagbalik galing business trip niya." Sabi nito habang binibigyan ng ngiti si Axel.

"Sana next week, makaalis ka na." Bulong ni Axel sa sarili

"May sinasabi ka?" Tanong naman ng dalaga pero wala siyang natanggap na sagot mula sa binata. "Pero alam mo oppa, ang liit talaga ng mundo, ano? Kaibigan pala ng kuya ko, 'yung ate mo. What a concept!" Dagdag pa nito.

Hindi na lang nagsalita pa si Axel. Wala naman siyang paki sa mga sinasabi ng dalaga.

Dahil nga nasa tapat na rin sila ng magiging kwarto ng dalaga, "Pwede ka ng pumasok." Wika ni Axel saka inilapag na rin ang bitbit na karton nito at iniwan na rin ang dalaga.

"Ang cute niya talaga. Para talaga siyang si Jimin lalo na sa malapitan. Sabi nga nila, if you can't marry your bias, then marry their fanboy... I mean ka-look-alike. Omgggg!"


•••••

Nasa sala ang tatlo-- si Alora, si Axel at si Pamela. Nakaalis na rin ang kuya Patrick ni Pamela.

"Hindi pa pala kita nawe-welcome, Pamela. Welcome sa magiging pansamantala mong bahay. Kung may kailangan ka, wag kang mahihiyang magsabi sakin at kay Axel. Feel at home lang, okay?" Wika ni Alora saka ito nagbigay ng matamis na ngiti sa dalaga.

"Thank you po, Ate Alora."

Sinitsitan ni Alora ang busy na kapatid nito na nagbabasa ng libro sa may sofa. Napatingin naman ito saka nagbigay ng tingin na nagtatanong na 'Ano?'

Sumenyas si Alora kay Pamela. Hindi naman ito naintindihan agad ng binata.

"Huh?"

"Magbigay ka ng welcome message kay Pamela sa pag-istay niya dito."

"Tss. Akala ko naman kung ano na." Isinara niya ang libro saka tumingin sa dalaga. Si Pamela naman ay parang naiihi sa kilig. "Sige na." Pilit ng Ate niya.

"Una..." Nag-isip ito saglit. "Wag kang mangingialam ng gamit na di sayo."

"Axel!" Saway ng ate Alora niya

"Pangalawa... wag kang maingay at makulit." Dagdag ni Axel.

"Axel, anuba?!"

"Pangatlo, wag na wag mo akong kakausapin." Napailing na lang si Alora dahil sa mga naririnig niya mula sa kapatid.

"Pang-apat... Welcome." Matabang na sabi ito sa dalaga saka tumayo at umakyat papuntang kwarto niya

"Pagpasensyahan mo na yung kapatid ko, ha? Kaya siguro siya ganun kasi di ko nasabi sa kanya na may makakasama kami dito pansamantala. Saka hindi rin siya sanay na may bisita kami." Paliwanag ni Alora. At mukha namang naiintindihan ng dalaga ang nararamdaman ni Axel.

"Okay lang po 'yon. Kahit ako rin naman ganon ang magiging reaksyon. Uhm, Ate Alora..."

"Bakit babygirl?"

"May itatanong lang po sana ako."

"Ano ba 'yun?"

"Pwede... po... ba akong... magdikit ng mga posters ng favorite kong artist sa kwarto ko?"

"Oo naman. Sinong mga artists ba 'yan? May nakukwento 'yung kuya mo sakin na may iniidolo ka daw. Koreans daw?"

"WAAAAAH! YES PO! YES PO! SILA PO YUNG MGA ASAWA KO. GUSTO NIYO PO BA SILANG MAKILALA?" Naging hyper agad si Pamela ng inopen ni Alora iyong topic na 'yun. Natatawa na lang si Alora sa personality na pinapakita ng dalaga.

Kumuha si Pamela sa shoulder bag niya ng mga...

"Wow! Pictures nila 'yan?"

"OPO ATE ALORA. ITO PO SI NAMJOON, YUNG LEADER NILA. TAPOS SI SEOKJIN, ANG WORLDWIDE HANDSOME NILA NA PINK PRINCESS DIN. TAPOS SI YOONGI PO ITO ATE ALORA, KING OF SWAG YAN! TAPOS ITO NAMAN SI HOSEOK ANG SUNSHINE KO. TAPOS WAAAAAH ATE ALORA ITO ANG BEBE KO! SI JIMIN MYLOVE, ANG CUTE CUTE PO NITO. TSAKA ITO NAMAN SI V, LOVE NA LOVE KO ANG DEEP VOICE NITO PAG KUMANTA TSAKA LAST BUT NOT THE LEAST ATE ALORA, SI JUNGKOOK ANG PINAKABUNSO SA GRUPO PERO KITA MO NAMAN ANG PANGANGATAWAN DIBA?" Hindi na napigilan ni Pamela ang bugso ng kanyang damdamin.

"Kalma ka lang, Pam." Wika niya sa dalaga na natatawa. Hinihingal pa ang dalaga dahil sa excite at bilis na pagsasalita habang pinapapakilala ang mga idolo niya.

"Ano pong masasabi niyo, Ate Alora?"

"All in all, lahat sila gwapo. Infairness ah, almost perfect ang physical appearance nila. Parang hindi sila tao." Opinyon ni Alora. Napangiti naman si Pamela dahil sa narinig niya

"Sino po sa kanila ang nagugwapuhan po kayo?"

Tiningnan muna ni Alora ang bawat pictures ng idolo ni Pamela.

"Alam mo, Pamela... Ito guy na 'to... " Turo niya kay Jimin. "Parang may hawig siya kay Axel? Tama ba? Or ako lang talaga nakakapansin?" Natatawa niyang tanong sa dalaga

Ow em ji! Napansin rin ni Ate Alora!

"Ehehehe!" Tanging nasagot na lang ng dalaga.

"Pero ang natipuhan ko sa mga 'to is... Itong guy na 'to." Turo niya kay Namjoon.

"Perfect choice, Ate Alora." Saka na siya nagpatuloy sa pagkwento tungkol kay Namjoon. Hindi lang kaya Namjoon kundi sa iba pang member. Syempre di niya makakalimutang sabihin ang pangalan ng grupong iniidolo nya. Tawa at tango lang ang mga nasasagot ni Alora at may iilang tanong din siya sa dalaga. Natutuwa siya sa katangiang pinapakita ng dalaga sa kanya. Nakikita niya masayahin ito at alam niyang makakatulong ang dalagang ito sa kapatid niyang noon ay masayahin din.

She's A WeirdoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon