"Hi Axel!" Bati ni Nancy sa binata nang makita niya itong papalabas ng campus. Kumapit pa ito sa braso ni Axel saka isinandal saglit ang ulo sa balikat.
Inalis ng binata ang kamay ni Nancy sa braso niya. "Baka anong isipin ng ibang tao satin." Nagpout lang ang dalaga. Si Nancy ay may mahaba at wavy na buhok, sobrang puti pa nito na akala mo pinaglihi sa labanos.
"Hayaan mo na lang kung anong isipin nila. Buhay nila 'yun." Kakapit na sana ito muli sa braso ng binata ngunit medyo lumayo ito. Matagal ng magkakilala ang dalawa simula pa no'ng highschool. May gusto itong si Nancy kay Axel noon pa man. Alam rin ng binata na may pagtingin ang dalaga sa kanya dahil ilang beses na itong umamin ng feelings sa kanya.
"Wala ka pa ring pinagbago. Dead mo pa rin ang beauty ko." Saka nagcrossed-arm ang babae saka umirap sa kawalan.
"Labas naman tayo minsan oh. Sana naman kahit iyon lang mapagbigyan mo ako." Nagpuppy-eyes pa ito sa harap ng binata na baka sakaling this time, um-oo siya.
"Sige." Di naman mapigilan ng dalaga ang pagngiti.
"Sabi mo 'yan ah! Aasahan ko 'yan! Bye!"
•••••
Parehong nasa bahay na ang dalawa at nasa sala sila. Hindi sila nag-iimikan. Abala ang dalaga sa paglalaro ng Superstar BTS at abala rin ang binata sa pagbabasa ng libro. Hindi na rin nagtaka ang binata kung bakit hindi nag-iingay ang dalaga dahil nasabihan niya na 'to una pa lang na huwag siyang kakausapin.Maya-maya ay nakarinig ang binata na para bang may humihilik. Hindi siya nagkamali dahil may humihilik na nga, si Pamela.
Napabuntong-hininga na lang siya at nagtungo patungo ng kwarto niya. Nasa tapat na siya ng kwarto niya nang may bigla siyang naisip. Nagtungo siya sa tapat ng kwarto ni Pamela. Dahan-dahan niyang hinawakan ang doorknob ng pinto saka pipihitin na sana ito nang...
"A-anong ginagawa mo, oppa?" Agad na inilayo ng binata ang kamay sa doorknob saka humarap sa dalaga.
"Diba sabi ko wag mo kong kausapin?" Pagsusungit nito.
"Nandoon ang kwarto mo diba? Bakit ka nandyan?" Nagtataka tuloy ang dalaga kung bakit nasa labas ng kwarto niya ang binata
"Hindi ba ito ang kwarto ko?" Umiling ang dalaga. "Edi hindi." Nagtungo na rin ito sa kwarto niya.
"Anyare do'n? Nagkaamnesia ba siya?" Pumasok na ang dalaga para makapagpahinga. Nawalan siya ng enerhiya nang makita niya ang isang babae kanina na nakahawak kay Axel.
•••••
Nang magising si Pamela, naalala niya na ilang araw na pala siyang nandidito sa bahay ni ate Alora niya pero hindi pa siya nakakapag-ayos ng kwarto niya. Hindi niya pa nailalabas ang mga laman sa karton na dala niya simula no'ng dumating sila dito.Bumangon siya at lumapit sa malaking karton. Kinuha niya muna sa bag niya ang cutter na lagi niyang dala-dala sa school at sinimulan niya na itong buksan.
"Kyaaaaa! My babies!" Hindi napigilan ng dalaga ang pagsigaw nang marealize niya ang ginawa niya, mabilis niyang tinakpan ang bibig nito.
"Omg! Omg! Hello, my kpop merch!" Masayang bati niya sa mga merchandise niya. Isa-isa niyang inilabas ang iba't ibang unofficial merch nito, may iilang merch din siya na official. "Kyaaaaah! My army bomb!" Napasigaw na naman siyang muli. Hindi niya mapigilan ang nararamdaman niya.
Sinimulan niya ng ayusin ang mga gamit niya. Nagsimula na rin siyang magdikit ng mga posters ng paboritong kpop group niya which is ang BTS. Nakapagpaalam naman na siya sa ate Alora niya about dito kaya walang problema. Freeng-free siyang magdikit ng posters.
Matapos niyang ayusin at pagdikit-dikit ang mga posters sa loob ng kwarto niya ay nakaramdam siya ng gutom. Napagpasyahan niyang bumaba at magtungo sa kusina. Naisipan ng dalaga na magluto ng meryenda nila. Binilinan na rin siya ni Alora na kung nagugutom siya, malaya siyang magluto. Feel at home nga daw, diba? Kaya fini-feel talaga ni Pamela.
"Ano kayang pwedeng lutuin? Spaghetti? Pansit? Uhm..." Hindi siya makapagdesisyon kung ano ang lulutuin dahil sa dami ng ingredients na nasa harap niya. Para ng grocery store ang kusina nila Alora dahil sa mga ingredients.
"Ano kaya ang paboritong pagkain ni Jimin oppa?" Napapangiti ang dalaga habang iniisip ang mga possibleng paborito ng binata.
"Omg! Alam ko na." Kinuha ng dalaga ang phone nito na nasa kayang bulsa at sinimulan ng i-dial ang number ni Alora. Binigyan siya ni Alora ng number nito dahil in case na may mangyari masama o may ginawa sa dalaga si Axel, may masusumbungan siya agad.
(Hello Pam. May problema ba?)
"Wala naman po, ate. Itatanong ko lang po sana kung anong paboritong pagkain ni Axel kapag meryenda time." Wika nito sa ate Alora niya.
"Ay nako. Hindi mahilig magmeryenda ang batang 'yon." Naging malungkot ang itsura ng dalaga dahil sa sinabi ni Alora. "Pero once na may adobong manok, kakain 'yon." Biglang nagliwanag ang mukha ni Pamela. Nabuhayan ang loob niya. Matapos nilang mag-usap, nagsimula ng magluto ang dalaga ng adobong manok. Kung hindi niyo po naitatanong, marunong magluto ang dalaga ito. Mukha lang talaga siya na walang alam pero kapag sa pagluluto, iyon ang sandata niya.
•••••
Kanina pa gising ang binata at wala siyang ganang tumayo para lumabas ng kwarto. Wala rin naman ang ate Alora niya kaya mas mabuting manatili na lang sa loob ng kwarto kaysa naman makita ang babaeng weirdo.Maya-maya ay may naaamoy siya kakaiba. Mabango. Nakakatakam. Biglang kumulo ang tiyan nito.
"Nakauwi na kaya si ate?" Tumayo ang binata at binitawan na ang librong hawak-hawak. Sinusundan nito ang nakakatakam na amoy. Pababa na siya at dahan-dahang humahakbang patungo sa kusina. Nakapikit pa ang mga mata nito habang inaamoy ang nakakatakam na amoy ng adobong manok.
"Anong ginagawa mo?" Napadilat ang binata dahil sa boses na narinig niya. Nakita niya ang dalaga na naghahain ng adobong manok.
"Ikaw 'yong ano ang ginagawa mo!" Pagsusungit pa nito sa dalaga pero nagugutom na siya sa amoy. Kunakalam na rin ang kanyang tiyan.
Palihim na napangiti ang dalaga dahil nakikita niya sa reaksyon ng binata na natatakam na ito.
"Gutom ka na ba?"
"Oo!" Mabilis na sagot ng binata. Natawa naman ang dalaga. Huli ka. "Ang... ibig kong sabi---" Hindi na pinatapos ng dalaga ang sasabihin ng binata.
"Halika ka na dito. Kain na tayo." Nakangiting aya ng niya sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's A Weirdo
HumorPaano kung may ibang mundong ginagalawan ang taong mahal mo? Gigisingin mo ba ito sa reyalidad? O papasukin mo na lang ang mundong ginagalawan niya?