Mika
"That's so pathetic!" I pointed out a couple who's doing some pda. It's as if they are all alone here. Gosh!
Public place ito. Haler??
"bitter ka lang." Ara, who is my bestfriend sticks her tongue out. Bitter? Yes. I admit. Ikaw ba naman paasahin? Iwan sa ere? Di ka ba magiging bitter?
Jusko!
"whatever, Ara... whatever..."I rolled my eyes. She just laughed. I sipped my coffee and a few minutes have passed,I received a call from Camille..
"Mika, are you with Ara?"
"Yes, Cams."
"Uhm, Kib just called me... May reunion daw tayo later 6pm. Same place.Sana this time, makapunta ka na talaga " nalungkot naman si Cams.
"What's the event?"
"Di sinabi eh... basta see you later ah? Bye."
Huh? Babaan ba naman ako? At anong meron bakit may tipon na mangyayari?
"Ano daw?" tanong ni Ara habang kinakain ang cheesecake niya.
"Reunion, Thomas' place. 6pm."
Tumaas ang isang kilay niya. "Di naman ata ako tinext ni Thom?" sabay kuha ng cellphone niya na nakalapag sa mesa. She checked it.
"Baka emergency... at ano na naman kayang plano ng mga loko? Another vacation ba? Naku... busy ang schedule ko for three months."
Nagulat nalang ako nang tinulak ni Ara ang noo ko. Aray naman.
"Kailan pa lumuwag yang schedule mo? Simula ng umalis si Jeron sa bansa eh nagmumukha ka nang uhaw sa trabaho! Buti nga't nagkasama pa tayo ngayon"
Totoo nga naman. Ilang beses nang nagmamakaawa si Ara sa akin para magkaroon naman kami ng bonding kaso, busy talaga ako. Kaya naman ngayon, tumakas lang ako sa office para lang talaga kitain si Ara. Mahirap na baka itakwil ako bilang bestfriend.
And I started acting this way when he left. Yeah, bigla bigla nalang siyang umalis without any prior notice. Parang bula lang na biglang nawala at di na nagparamdam.
Just to heal my broken heart, eh nagpursigi akong magtrabaho. Ginugol ko lahat ng oras ko para lang mawala siya sa isip ko.
Pero bakit ganun... isang taon na ang nakalipas pero siya pa rin.
Nakakainis na eh.
He will always have that special place in my heart, no one can ever replace him.
"Oo na, I've been so aloof the whole year. Masisisi mo ba ako, Ara?" I almost cried. Leche! I've not yet moved on because I'm still getting hurt and it sucks!
For almost a year, I've been feeling this way! Argh!
Mukha namang nalungkot si Ara sa naging reaksyon ko. Hinagod hagod nalang niya ang kamay ko, just to comfort me...
"I can't blame you... You know that."
Ara hugged me and in that moment... at least in that moment, I'm feeling a bit relieved.
.
.
.
.
.
"Uy Mika! Buti nakarating ka." Kib welcomed me. Anak ng!
"Oo na, ngayon lang ako ULIT nakisali sa inyo. Buti nga tong si Cams at ako talaga ang tinawagan..." Camille smiled awkwardly.