Jeron
"Hay boring!"
"Spin the bottle tayo guys!" Ara suggested.
"Old school." Thomas scoffed.
"Hmm. May suggestion ka Mika?" tanong ko kay Mika.
"Uhm. Spin the bottle? Wala akong ibang maisip ehhh."
"Okay, spin the bottle it is!" Thomas said in glee. Nabatukan tuloy ni Van.
"hmp. Ako nagsuggest nyan eh!" Ara said while pouting.
"Ah yun ba suggestion mo? Sorry di ko narinig. Arayyy" napingot tuloy ni Ara hahaha.
"Sabi mo pa nga old school! Loko ka!" pinipingot pa rin niya si Thomas. Hay, aso't pusa talaga tong dalawa. Obvious naman na crush ni Ara si Thomas. Si Thomas naman parang may something din pero in denial lang.
"Stop that, Ara. Sige na.. Start na tayo" sabi ni Cienne. Tumayo siya at kumuha ng bote.
"sige ako na." Mika started spinning the bottle.
"ARA! Truth or dare?"
"Truth."
"ano ba yan, dare nalang!"
"Eh di ka nalang sana nag tanong!" sungit neto haha palibhasa binalewala na naman ni Thomas.
"Oh sige. Ano na status niyo ni Tigs?" Nakita kong nagulat si Thomas at tiningnan si Ara. As if waiting for her answer.
"hmm. Getting there." Simple niyang sagot. Nakita kong nainis si Thomas sa sagot niya. Hahaha. Sige Thomas, masarap maging martyr.
"Ako na!" pinaikot na ni Ara at naka point kay Mika.
"MIKA! Alam kong truth sayo, tamad kang mag dare eh"
"Sige, shoot."
"Kung sakaling manligaw si Jeron, sasagutin mo?"
Binato siya ni Mika ng tsinelas. Kung makatanong kasi, parang wala ako sa tabi ni Mika. Pero I'm still waiting for her answer and hoping for a positive one.
"Sakali lang naman!" depensa ni Ara.
Nakayuko lang ako.
"uhm, Oo naman." Nahihiya pa niyang sabi. May pag asa ako sa kanya?? Seryoso ba yung narinig ko??
"Ako na!" inagaw naman ni Mika ang bote at pinaikot ikot. Huminto ito at natapat sa akin.
"AYYYYYYIIIIEEEEEE" all of them exclaimed as she was about to ask me. Tiningnan tuloy sila ni Mika ng masama. Sige, go lang guys, kinikilig kasi ako. Hahaha
"Truth or dare?"
"Truth" kampante kong sagot.
"Aba, dati dare pinipili mo ah...Uhmm..."
Napansin kong binulungan siya ni Cienne. "tanong mo sino crush." I chuckled when I heard it. Si Cienne talaga.
"Sino crush mo?"
I smiled and looked at her. "ikaw"
*end of flashback
Nakatingin lang ako sa mga kaibigan kong busy sa mga pinag gagawa nila. Sina Thomas at Ara inaayos ang gamit nila habang sina Van at Cienne naman ay nagkukulitan. Ni wre-wrestling na niya si Cienne. Laki kasing tao tapos ang liit ng girlfriend.