Mika
Almost one year na ang nakalipas simula nung gabing yun. Minsan lang din kami nag tatawagan dahil medyo busy kami sa mga trabaho namin.
And I must say, naging matured na kami sa relasyon namin. Dapat lang talaga maging understanding ka sa partner mo.
And so far, Jeron is making her own name in America. Sa sobrang galing ba naman nun magbasketball?? Tss, ka level na nga nun si Kobe Bryant. Charot lang.
Sa katunayan nga, eh andito ako sa office at hinihintay ko ang interview niya ngayon. Sabi naman niya sa akin, last week pa ang taping neto at ngayon siya ipalalabas. So, eto ang lola niyo at hinihintay ang show.
Tagalers ahh.
"Welcome back to Ellen De Generes Show, "
Tuhruy ng lolo niyo, nasa Ellen!
"Good morning Jeron.." bati ni Ellen sa kanya and infairness ang gwapo gwapo naman ni Jeron diyan. Huhu namiss ko na tuloy siya.
"Good morning, Ellen."
"Ay grabe, ang gwapo gwapo ni Jeron!!!" oh I forgot to tell you, andito pala si Ara.
"Pinagnanasaan mo na naman!"
"Compliment yun, tange!"
Inirapan ko lang siya.
"So, Jeron before we proceed to our interview proper, I would like to congratulate you for being the newest MVP of this NBA season."
Mataas na talaga ang naabot ni Jeron sa career niya. And I am nothing but so proud of him!
"Thank you so much."
"Okay, first question... since a lot of women are drooling whenever they saw you, a lot are also asking if you are single. Is Jeron Alving Teng single?"
"Ay naku naman oh!" natatawang sabi ni Ara at nang aasar pa ang tingin sa akin.
I rolled my eyes at her, "Quiet!"
"No, im not"
"Bilis ng sagot ni Papa Jeron"
Ugh! Ingay naman ni Ara!
"Do you have a girlfriend?"
"I am reserving myself to someone" he said and smiled. Kung pwede ko lang ipagsigawan na ako ang someone na yan!!
"Who's the lucky girl?" tanong ni Ellen.
"Sorry, I can't mention her name but one thing is for sure, when I left the Philippines, I also left my heart with her."
Napa awww naman ang audience dahil dun. Ako naman eh... oo na kinilig ako dun! Alam ko namang ako yung tinutukoy niya! Hehehe.
"oh wag kang mag assume! Hindi nag mention ng name oh..." naisingit pa talaga ni Ara yun. Tiningnan ko tuloy siya ng masama.
"Pwede ba! Kanina ka pa ah!"
Nag peace sign lang siya sa akin. Kulit talaga neto, palibhasa wala si Thomas at may out of town na business transaction. Kaya eto, ako ang kinukulit ng bruhang to.
"Just to end the speculations, are you talking about the Filipina model, Joanna Robles?"
Dahil sa tanong ni Ellen eh tumaas ng tumaas ang kilay ko. Kasing taas ng Mt. Everest!