Pwede Ba?

70 2 0
                                    

Late na akong nagising kasi late narin natapos yung party sa bahay kagabi. Pagkagising ko, kinailangan ko pa linisin yung mga ginamit kagabi. Inabot na ako ng halos 4 PM hindi parin ako tapos. Kailangan ko pa umuwi ng Cavite before 6PM.

So wala nang ligo-ligo fly na ako ng balur para makauwi. Nag decide na ako mag taxi papuntang terminal para sure ako na makakauwi ng maaga. Swerte naman at paglabas ko ng kanto dumaan agad si taxi.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad ang napakagwapong driver na nakita ko sa tanang buhay byahera ko.

"Kuya Coastal Mall po." Sabi ko.

Si kuya parang nagisip pa kung gow o hindi.

"Kuya Coastal Mall plus puri na dalisay." Sa isip ko lang naman.

"Traffic po Sir." Sabi ni kuya.

Biglang may dumating na isa pang taxi.

Naglungkut-lungkutan ako. "Sige wag nalang kuya baka yung isang taxi pumayag"

Isasara ko na ang pinto ng pinigilan n'ya ako, "Sige okay na po."

Eh di pumalakpak ang labia minora ko. Tumbling na ako agad sa loob at baka magbago nanaman ang isip ni kuya.

"Saan po tayo dadaan?" Tanong ni kuya.

"Mag service road na po tayo tapos gate 3 tapos Osmeña then EDSA po." Sabi ko. Pero wait... napansin kong may something wrong pala kay kuya. Parang galing n'ya lang sa iyak?

Pwede Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon