Pwede Ba?

27 0 0
                                    

Hinayaan ko muna s'yang umiyak ng bonggang-bongga. Mga 5 minutes din yun.

"Okay ka na?" Tanong ko.

Tumango lang s'ya.

"So feeling mo kaya ka binreak ng girlfriend mo kasi panget ka? Ang babaw naman nun." Dagdag ko.

Suminghot s'ya tapos kumanan ng bonggang-bongga sa C5. Feeling ko umangat yung kalahati ng sasakyan.

Magpapakamatay yata si kuya... tapos idadamay ako.

"KUYA KAYA KA INIWAN NG GIRLFRIEND MO KASI ANG HAGGARD MO MAG DRIIIIIIIVE!!!"

Kasabay namin yung mga bus at ang tulin ng takbo ng mga sasakyan. Feeling ko kung nabangga kami nun closed casket ang ganapan.

"Sorry po. Naiinis lang po talaga ako."

"Pero sana walang damayan kuya di ba?" Medyo naka-recover na ako. "Kelan ba kayo nagbreak?"

"Hindi pa po talaga kami break Sir. Pero parang ganun narin yung kalalabasan."

Tahimik lang ako.

"Nakita ko po yung girlfriend ko kanina lumabas ng Sogo dun sa Guadalupe na may kasamang lalake." Dugtong ni kuya.

"Grabe naman. Eh di ba daanan yun. Baka nag shortcut lang sila." Sabi ko.

"Ang sweet nila Sir. Nag-sex sila Sir!!!" Umiyak na naman si kuya.

"Okay?!?! Kapag Sogo sex agad? Marami namang ibang pwedeng gawin dun. Basta walang proof wag tayo mag react noh?" Pagtatanggol ko kay girl. Pero totoo naman di ba? Unless proven, hindi mo pwede i-judge ang situation. Malay mo magpinsan lang pala sila kaya sila sweet di ba? Dami na kayang ganun sa movies.

"Minsan Sir kailangan natin maniwala sa instinct natin. Naghalikan na sa maghahanap ka pa ba ng ibang pruweba nun?"

"Naghalikan sila?" Tanong ko.

"Oo".

"Yun lang." Talo ako.

"Pero kailangan mo parin s'ya kausapin!" Dagdag ko.

"Para ano? Bilugin n'ya yun ulo ko?" May galit ang tono ng boses n'ya.

"Baka may explanation s'ya. Tsaka para malaman mo na rin na pinagpalit ka ba n'ya dahil napapangitan s'ya sa'yo."

"Hindi ka pa nagkaka-girlfriend noh?" Tanong n'ya.

Hiyang-hiya naman ako sa foundation ko at blush para magpagkamalang straight di ba?

"Hindi pa. Hindi pa ako nagkaka-BOYfriend" with emphasis sa dapat i-emphasize.

"Girlfriend o boyfriend. Kahit ano pa yan ang ibig sabihin lang n'yan wala kang alam."

Aray ko Beh. Ang saket... Turok na turok sa heart eh. Gagong toh.

"Excuse me. Hindi porket di pa nagkaka-jowa wala nang alam sa love noh. I've learned by observing." Sabi ko habang pigil na pigil ang galit.

"Na in-love ka na ba?" Tanong n'ya.

"Hindi pa. Pero hin..." Sagot ko pero bago ko pa matapos ang sinasabi ko, pinutol na n'ya."

"Yun na nga kaya hindi ka makaka-relate sa akin kasi di mo alam ang nararamdaman ko."

ARAY KO BEH!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pwede Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon