Pwede Ba?

25 0 0
                                    

Malamig sa loob ng taxi ni Kuya. Dahil siguro bago palang yung Avanza na dinadrive n'ya. Nung una masarap sa pakiramdam kasi sa sobrang init sa labas pero habang tumagal, nararamdaman ko na nanginginig na ako. Hinanap ko sa bag yung jacket ko; hindi ko pala dala.

"Kuya, pwede pakihinaan yung aircon?" Sabi ko.

"Panget po ba ako Sir?" Tugon ni Kuya.

Pinahinaan ko lang yung aircon. Tama ba yung narinig ko, "Ano yun Kuya?

"Panget po ba ako?" Nakatigin s'ya sa akin sa rear view mirror.

Gwapo nga si kuya. Kaya ko sagutin agad yun. Pero inisip ko, nilalandi ba ako ni Kuya? Nakipagtitigan ako sa kanya sa rear view mirror n'ya. Namumugto parin yung mata ni Kuya at halata na seryoso s'ya sa tanong n'ya.

"Gwapo ka naman." Sabi ko. Halos walang tunog pero alam ko narinig n'ya.

Lalo akong nagkainteres sa issue ni Kuya.

"Bakit gusto mo naitanong?" Usisa ko.

Hindi s'ya sumagot.

Mataas pa ang araw nun kaya kita ko nag panginginig ng mukha n'ya. Pinipigilan n'ya umiyak pero hindi n'ya kinaya.

"Nag-break po kasi kami ng girlfriend ko." Halos di ko maintindihan dahil sa pigil n'ya na hikbi.

Ako naman sa loob nagwi-wish na sana kainin ng lupa. Hindi kasi ako ready at hindi ko alam ang gagawin. Sinisi ko yung sarili ko sa paguusisa. Yan tuloy umiyak si Pogi.

Mataas pa yung araw kaya kita ng mga tao yung pag-iyak ng driver. Di ko lang alam kung may nakapansin pero kung meron, baka isipin na hinoholdap ko si kuya. Juice ko ah!

ANO BA ANG GAGAWIN KO?!?!

Sa isip ko, bahala na. Hinawakan ko yung balikat n'ya para aluin s'ya. Paglapat ng kamay ko. Nasarapan ako. Ahahahaha!!! Sherep... Muscular.

"Kuya okay lang yan. Maraming magkakagusto pa sa'yo." Pag alo ko sa kanya.

Tapos nangyari pa ang isa pang bagay na hindi ako ready, hinawakan n'ya yung kamay ko sa balikat n'ya sabay sabing, "Salamat Sir."

Pwede Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon