P-R-O-L-O-G-U-E

127 7 2
                                    


Nasubukan mo na bang nagtanong sa sarili mo kung bakit wala ka pa ring lovelife hanggang ngayon? Nasubukan mo na bang patusin lahat ng online dating sites pero hindi pa rin umobra at bokya ka pa rin hanggang ngayon?

Lagi mo bang pinagdadasal na sasna dumating na ang para sa'yo?

Sa lovestory ng iba ka na lamang ba kinikilig? Well, hindi lang ikaw ang nakakaramdam doon. Marami tayo. Marami tayong walang lovelife after breakup or since birth. Marami tayong mga third wheel lang sa mga date. Marami tayong kumakain mag-isa, kayang magshopping mag-isa at ginagawang alarm clock o music player ang mga cellphone.

Pero karamihan sa atin hindi tumitigil maghanap. At marami sa atin ang hindi kayang maghintay at lahat ng pwedeng paraan para mapalitan lamanga ng relationship status sa facebook ay ating gagawin.

Pero hindi ako sumama doon sa paraan na iyon datapwat ay nagsulat ako kay Forever. Nagsulat ko sa kaniya bakasakaling sumagot siyang ibigay ang taong para sa akin. Hindi ako nagmamadali. Pero sa edad kong bente kwatro nais ko ulit maramdaman kong papaano kiligin sa sarili kong lovestory. Nais ko ulit maranasan kong papaano icelbrate ang monthsary at anniversary. At kahit alam kong hindi lang puro sya ang pag-ibig, handa akong masaktan at umiyak. Ngunit kabila man noon, handa ulit akong lumaban para sa pagmamahal.

Author's note:


Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong magsulat ng letter kay Forever, anong sasabihin mo?


****
Anyways, this is  not a novel. I dunno what will I call this but this is a kind of letter-short story. Which you can read from each chapter is a letter from a girl Named Nadine. Yes, this is a Jadine Fanfic.

Letter to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon