Letter #1: hi, forever

69 6 0
                                    


Dear Forever,

Gusto kong magsulat sa'yo. Marami akong tanong. MARAMI. Pero una sa lahat, hindi ako galit sa'yo. Hindi rin ako nagdududa kung nag-eexist ka ba. Ang sa akin lang nais kong makausap ka. Alam kong kalokohan ito dahil hindi ka naman magrereply sa lahat ng sulat ko pero nais ko lang linawin ang lahat. Kelan ka ba magpaparamdam sa akin? Kelan mo ba ibibigay iyong taong makakasama ko habambuhay? Opps, hindi ako nagmamadali. Nagtatanong lang ako. Gusto ko kasing maging handa. Baka hindi ko namamalayang katabi ko na pala sa bus pinalampas ko lang. Kaya kung ibibigay mo man siya sa akin, nais kong kalabitin mo muna ako. Tapos sabihin mo sa akin kung para nga ba siya sa akin o hindi, dahil kong hindi, baka masaktan na naman ako. Mahirap kayang maging assuming.

Pero alam mo ba forever, minsan nakakamiss din maging in-relationship. Marami akong nasaksihang mga kwento ng pag-ibig, aaminin ko kinikilig ako't naiinggit sa kanila. Hayyy, sana katulad ko din sila. Alam kong mahirap pumasok at bumuo ng isang napakagandang lovestory, but I will do everything to make it perfect and magical. Handa akong masaktan, lumaban at magmahal muli forever.

Sincerely yours,

Nadz

Letter to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon