Letter #4: Training

33 4 0
                                    



Dear Forever,

Tapos na ang long vacation namin. Balik trabaho na naman. May mga bagong hired na employee sa aming company. Ako ang magpapatrain sa kanila forever. At umaasa akong magiging masaya ang training.

Nagtratrabaho pala ako sa isang tutorial services. Bali, international students galing Japan and Korea ang tinuturuan namin. Matagal na rin ako dito. Tatlong taon. At gaya nga ng sabi ko sa'yo, isa na ako sa training team.

Okay naman 'yong mga bagong hired. May tatlong babae at limang lalaki. Ilan sa kanila may experience na. Napapansin ko nga may nabubuong masayang lovestory sa dalawang trainee namin. Nakakatawa. Gumawa ka na naman ng isang lovestory forever. Ako kaya forever, pang-ilan sa listahan nang gagawan mo ng lovestory.

Naghihintay, Nadz.

Letter to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon