Letter #3: Movie Hugot

35 4 0
                                    



Dear Forever,

Gusto kong magmura forever, pero alam kong bad iyon at baka 'di mo ako bigyan ng forever. Pero ang sakit kasi. Nasaktan na naman ako dahil sa isang lovestory. Nanood kasi ako ng Break-up playlist nila Sarah Geronimo. Anak ng tipaklong! Ang heavy ng storyline. Nakakalaslas ng panga. Pero kinaya ko pa naman kasi naniniwala akong may happy ending. Ayon, meron nga.

Pero bakit ganoon forever, alam kong ginagawa mo iyong mga ganoong pagsubok pero masyadong mabigat. Masyadong nakakamatay. Katulad ng kwento nila Sarah, bakit kailangan ulit nilang magkita ni Piolo? Closure? O itutuloy ang naputol na kwento? Bakit minsan hindi nagkakaintindihan puso at ang isip? Bakit minsan... ang hirap mag-explain pero hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Pero hindi ibig sabihin noon eh magiging bitter na ako sa pag-ibig. Alam kong may iba't ibang klase ng lovestory. Alam kong darating din ako sa puntong ganoon ang mararanasan ko ngunit kailangan kong magkaroon nang bukas na isipan. Kasi hindi naman pag-ibig ang sumasaktan sa akin kundi ang mismo nating sarili.

Sige, maiksi lamang ang sulat ko sa'yo. Namamaga na kasi ang aking mga mata. Itutulog ko na. Hanggang bukas ulit.

Nasasaktan ngunit patuloy na lumalaban,

Nadz

Letter to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon