Letter #8: Forever daw

14 3 0
                                    


Dear Forever,

Kinulit na naman ako ni Jayme, to the point na pati sa lunch break namin sinamahan niya akong kumain para lang marinig ang sagot ko. Kaya sinagot ko na rin ang tanong n'ya after lunch. Sabi ko, gusto kong makilala ang pinadala ni Forever in a magical way. Gusto kong patunayan iyong mga ganap na nababasa ko sa mga pocket books or wattpad books.

Slowmo, with background music, mabilis na pintig ng puso habang masaya naming sinasabi ang mga salitang "matagal ko na kitang hinihintay." 'yon ang sinabi ko. At alam mo ba forever, pinagtawanan niya ako! Ang kapal ng mukha ng Jayme na iyan! Pero nagsorry din naman siya. After noon, ako naman ang nagtanong, "Papaano mo nakilala at sa anong paraan mo natanggap iyang forever mo?"

Nakinig ako sa eksplanasyon niya. At doon ko nalaman ang tunay n'yang nararamdaman. Hindi niya alam kung forever nga ba daw iyong dumating na package sa kaniya. Dahil nakilala niya lamang ito sa isang party at inuwi sa bahay. Unluckily, sa pagkakaalam niya one-night stand lang naman ang nangyayari hanggang sa ayaw umuwi ng girl at doon nalaman ng parents niya na may inuwi siya. Nagalit ang papa niya maging ang mama niya. Kaya pinilit nilang ilagay sa isang relasyon ang dalawa. To keep it short, ang family ni Jayme ang siyang nagbigay ng forever nito. But, Jayme said, he doesn't have any feelings sa girl. Tinanong ko siya, "then bakit ka pa andiyan?"

Ang sagot niya, "Dahil sinabi ng pamilya ko."

Hindi masyadong naipaliwanag ang lahat forever, kaya sa'yo ako magtatanong. Minsan ba, gumagamit ka rin ng ibang tao para pagtagpuin ang dalawang taong dapat magmahalan? Masyadong magulo Forever, pero marami akongt tanong tungkol doon.

Mapagtanong, Nadz.

Letter to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon