Letter #2: LQ

48 5 1
                                    


Dear Forever,

Nangungulit na naman ako. At magkwekento rin pala ako ngayon sa'yo. Iyong kaibigan ko. Nabadtrip. Nag-away sila ng boyfriend niya. Todo iyak siya kagabi sa akin. Naiinis siya. First LQ daw nila iyon. Magkaroon man sila ng away, tampuhan lang. Pero iyon daw talaga iyong unang nagkasagutan sila't nasaktan siya ng boy. 3 years na sila. Sabi ng kaibigan ko, kaya daw sila nag-away ay dahil sa kachurchmate noong boy. Harap harapan daw siyang ginago ng boyfriend niya. Ang pagkakakwento ng kaibigan ko, nage-elect daw sila ng vice resident t iyong gir na nagkakagusto daw sa boyfriend niya ang na-elect tapos sinabi daw ng girl na sana samahan siya ng mga kagrupo nito. Tapos bigla daw sumigaw si Boyfriend niya ng, "Sasamahan kita. H'wag kang mag-alala." Tapos nagtinginan daw iyong mga tao sa kaibigan ko. Syempre nasaktan 'yong kaibigan ko. Tapos inaway niya iyong boyfriend niya.

Alam kong masyadong mababaw iyong pangyayaring iyon pero sa tingin ko may karapatan din iyong kaibigan ko. Ngayon, hindi pa rin sila okay. Alam kong hindi mo hahayaang masayang iyong tatlong taon nila. Alam kong ginagawa mo lamang ito dahil may balak ka sa relasyon nila. Alam kong pinag-aaway mo sila para malaman kung kaya ba nilang hawakan ang kanilang relasyon sa ganoong sitwasyon.

Ako forever, kung ganoon man ang mangyari sa akin aaminin kong masasaktan ako pero hindi ko hahayaang masira ang relasyon ko dahil doon. Gaya nang sinabi ko ipaglalaban ko ito. Ano mang mangyari. Kaya kong ako sa'yo ibigay mo na. Malapit na akong tumanda. Masama daw sa kalusugan kapag manganganak ka lagpas trenta.

Ang nagmamahal,

Bigas, este, Nadz.

Letter to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon