chapter 5- Ms. Sungit

24 1 0
                                    

Chapter 5

Xhien's POV

"Bhez?? Ok ka lang??" tanong ko kay Haz kanina niya pa kasi minu-murder yung pagkain niya eh..

"Isa pang tanong mo pa, sayo ko itutuon yung galit ko." sabi niya sakin habang hawak yung tinidor at nakatutok pa sakin.

"Eh kasi naman nag aalala na ko sayo. Ngayon lang kita nakitang nagkaganyan.." concern na sabi ko sa kanya

"Simple lang sagot dyan. Ngayon lng din naman ako napahiya sa buong buhay ko, kaya ngayon lang ako nagkaganito." mukhang masyado nga nyang dinamdam yung pagkatalo niya..

"Alam mo bhez ang OA mo lang. Isang points lang naman lamang niya sayo eh.. tsaka malay mo beginners luck lang yun.." pagboboost ko ng self confidence niya.

"Kahit pa. Mapaisa o dalawang points lang yun natalo niya pa rin ako.. tsaka di ako naniniwala na beginners luck lang yun . Pinagplanuhan niya talaga toh.." sabi ni Haz habang nanggigil na naghihiwa ng stake.

oh oh.. mukhang masama ito, papalapit si Val..

"Ahmm.. bhez , paparating pala si Mr. Rival"

"Hi, Thea. Hinahanap kita kanina pa, nandito ka pala sa Canteen. Di mo man lang ako hinintay. " Sabi ni Val kay Haz.

"Bat naman kita hihintayin? Ano tingin mo sa sarili mo, special?" ayan na .. sasabog na ito..

"Ha?? Hindi naman.. kasi diba magkaibigan na tayo? Kaya dapat sabay na tayo kumain.." grabe nakakaawa si Val.. ang lungkot ng itsura niya..

"Sino nagsabi sayo na kaibigan kita? Sa pagkakaalam ko wala akong matandaan na nangyari yun." grabe naman si Haz ang harsh ng sinabi niya..

"Pero dati rati naman sabay tayo kumain diba? Di pa ba sapat yun para masabing kaibigan kita?" naku ang tense naman dito..

"Alam mo Mr. Mendez, ikaw lang ang nakikisabay. Ikaw lang ang sumasama at sumusunod . Kaya pano mo nasabi na dahil lang dun magkaibigan tayo? Tsaka pwede ba umalis ka na sa harap ko , tuwing nakikita kita naiinis lang ako."

Naku di ko na talaga matake toh.. agad kong hinila si Val palayo kay Haz

"Ahmm.. bhez sandali lang ah may pag uusapan lang kami.." paalam ko..

agad kong inilayo si Val duon dahil baka kung ano pa masabi ni Haz sa kanya..

Dinala ko muna siya dito sa may bench ng school..

"Ahmm.. Val? Pasensya ka na sa inasal ni Haz ah.. mainit lang talaga ulo niya ngayon.. siguro next time mo na lang siya kausapin.." paliwanag ko kay Val

"Ah ganun ba? Baka nga.. naintindihan ko naman siya eh.. pero di naman siya seryoso na di niya ko gustong maging kaibigan diba?"

"Ahh.. oo naman . Magkakaibigan na tayo hehe.. May topak lang talaga siya ngayon." tama ba yung sinabi ko? Bakit parang pinapaasa ko siya?

"Buti naman, ayoko kasing magalit siya sakin. Di ko nga alam pero tinamaan talaga ako sa kanya eh.."

"Ahh.. seryoso ka pala talaga. Sige mauna na ko ah, alam mo naman badtrip si bhez.."

"Ah osege kita na lang sa room."

hayy.. on my way na papuntang canteen..

--------------

(canteen)

"ui bhez.. tapos ka na ba kumain halika na punta na tayong room.." sabi ko sa kanya.

"Akala ko di ka na babalik eh. Ang tagal mo ah."

"Eto talagang si Bhez , maiiwanan ba naman kita.."

pumunta na kami sa classroom at buti nalang sinunod ni Val yung sabi ko sa kanya na wag muna kausapin si Haz kasi may topak..

------fast forward--->

hinatid ko na si Haz sa kanila..

"Bhez sana bukas makalimutan mo na yung nangyari at magmove on na.."

"Grabe ka naman magsalita Xhien, para akong broken hearted sa mga pinagsasabi mo eh.. Umuwi ka na nga.. " sabi ni Haz na may ngiti sa kanyang labi..

Natuwa naman ako dun dahil nakangiti na siya ulet..

Sana nga lang bukas ok na..

Unexpected Love in an Unexpected personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon