Chapter 3- Mr. New Guy??

38 3 1
                                    

Chapter 3

XHIEN'S POV

Hi guys, mukhang napakilala na ko ng bestfriend ko kaya di na ko magpapakilala..

Nandito kami ng bestfriend ko sa school ... 1 week na ang nakakalipas simula ng magsimula ang klase.. at eto ang bestfrend ko masyado masipag .. Wala pa ngang masyadong tinuturo yung teacher todo aral agad..

"uy bhez ,tara mall tayo.." aya ko sa kanya

"ahmm.. next time na lang, kailangan ko kasi mamaster tong history.. kailangan pati date alam ko"

"alam mo bhez, minsan naman mag enjoy ka.. puro ka na lang aral .. " kailan pa kaya ito mag eenjoy.. panigurado gusto na naman nito maging top student

"nag eenjoy naman ako sa gina-- anu ba Xhien?" nahinto yung sinabi niya kasi kinuha ko yung librong binabasa niya..

"Tsaka ka na mag aral pag may lesson na tayo ok? Tsaka may ibabalita ako sayo.."

"Ano naman yun?" nagalit ata.. parang batang inagawan ng candy haha..

"Alam mo ba na may bagong student daw ngayon? Sa section siya natin papasok, at take note gwapings siya day!!"

"and so? Pakelam ko naman dun?" aba.. wala talaga tong pakelam kahit saan , pero pag libro hala.. sige sobrang interested yan..

"Alam mo sa attitude mong yan , tatanda kang dalaga.. Pustahan tayo for sure maiinlababo ka dun sa bagong student.."

"Tss.. bahala ka nga dyan.. kung anu ano ginagawa mo , eh kung nag aral ka na lang na kasama ko edi sana may napala ka pa.. Tsaka san mo naman nakalap yan aber? Ikaw talaga umiiral na naman ang pagkatsismosa mo.."

"aray bhes ah.. hindi kaya ako tsismosa noh? Sa may registrar office ko yun nalaman, napadaan kasi ako dun kanina.. and for your information researcher ang tawag sakin hindi tsismosa .. capital R-E-S-E-A-R-C-H-E-R.. Gets mo?"

"oo na lang.. halika na nga , magsisimula na yung next class natin"

"Ikaw bhez ah.. excited much? Wala daw pakelam sa bagong istudyante pero kung makareact naman....Uy!!"

abat gumaganti na din ah.. di man lang pinatapos speech ko? Hinila agad ako papuntang room.. siya na ang dakilang manghihila..

-----+---+++-----+-------

(sa classroom)

"kita mo na , kung hindi pa kita hinila edi na late na tayo.." hay naku , siya na talaga best student dito

. kaya favorite na siya ng mga teacher dito eh .. sobrang role model ang dating..

"oo na.."

"ok class i have an announcement to make.. Meron kayong bagong classmate .. Ngayon palang siya nakapasok dahil kahapon lang siya dumating galing states.. iho, halika at magpakilala ka na sa kanila.." sabi ni maam

biglang may gwapong nilalang na lumabas galing pinto..

"KYAAAAAAAAHHHH!!!!!" gosh!!!

di lang pala usap usap usapan na gwapo siya kundi totoo talaga.. matingnan nga si bhez kung ano itsura..

~_~

anu ba naman yun.. wa epek ang cuteness ni papabol

"bhez bat wala ka man lang reaksyon jan?" bulong ko sa kanya..

"eh ano ba gusto mo ireact ko?" suss, asa pa ko.. wala naman ata tong pakelam talaga eh..

"ahmm.. hi, im Valedict Bryan Mendez.. from now on i will be your new classmate.." wow ah pati boses wapak...

"ok Valedict you can sitdown next to Ms. Padilla.."

tapos agad na lumapit si Val samin at umupo na..

Swerte naman ni bhez , nakatabi niya pa.. wotwew..

after nun.. boring na naman ang klase, hayyy..

teka nga lang.

.

.

.

.

.

yung new guy nakatingin kay bhez.. at di lang yun ah,, titig much lang ang peg..

hmmm.. mukang may something dito ah, at bilang researcher aalamin ko kung ano yun haha...

pic po ni Xhien at the side------>>>

========××××=========

a/n

VOTE if like niyo yung chap..

^_^

COMMENT kung may question , suggestion , reaction

FOLLOW kung trip nio hehe

by:rinachan95^__^

Unexpected Love in an Unexpected personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon