Sa lahat po ng mga kalahok,
Isang masiglang pagbati !
Ang libro na ito ay matatagpuan ang lahat ng mga kuwentong One Shot na Mystery/Thriller ang genre na may temang My Goal.
Isa na namang tagisan ng husay at galing sa kanilang mga natatagong talento sa pagsulat ng natatanging kuwento ng personal na karanasan ng manunulat o karanasan ng kanyang kaibigan o kakilala o kung sinuman.
Basahin at magkomento kung nais ninyo subalit, tandaan, huwag lamang pong marahas na tila kayo na ang pinakamagaling sa larangan ng literatura, kundi gumawa nang may kahinahunan.
Purihin dahil sa kagandahan o pansinin ang mga mali sa maayos na paggamit ng mga salita.
APILA NG MGA ADMIN AT SPONSORS SA MGA KINAUUKULAN
SA LAHAT PO NG MGA NAGKOKOMENTO SA IBABA NG BAWAT KUWENTONG KALAHOK SA PATIMPALAK NA ITO AY PINAPAYUHANG HUWAG MAGING MARAHAS.
Ang sinuman po ay pinahihintulutang magpahayag ng masasabi sa kanilang nabasa, napansin, at naramdam sa bawat kuwentong lahok, pero hindi po ibig sabihin ay maging marahas na.
Kayo po, bilang kapuwa baguhang manunulat (novice writer), bago kayo magkomento na may ganyang karahas na pananalita ay mapatunayan muna sa inyong sariling akda ang inyong sinasabi na nagawa na ninyo. Kung nagawa na po ninyo, dapat maging mapagpakumbaba at magturo sa kapuwa na may kahinahunan ng pag-iisip.
Bakit mo pupunahin ang uling sa mukha ng iyong kapuwa, samantalang hindi mo pinupuna ang uling sa iyong sariling mukha?
Iwasan po ang pagiging mapagpaimbabaw. Bagkus, lagi pong mapagpakumbaba. Iwasan po ang sobrang tiwala sa sarili. Lahat po tayo ay pantay-pantay na nilalang.
SA LAHAT PO NG MGA KALAHOK: Huwag po tayong magpaapekto sa mga komentong tila marahas patungkol sa inyong kuwento. Ang mga ito po ay hindi kasali sa final rating ng mga Huwes. Ang pagbabasehan po lamang ay ang hatol ng mga napiling Huwes at wala ng iba.
Maraming Salamat Po sa inyong pang-unawa,
Admin & Sponsors

BINABASA MO ANG
Aking Layunin (A Mystery Thriller Stories)
Mystery / ThrillerMayroon ka bang nais mabago sa iyong buhay ngayong taon? Gusto mo ba itong magawa na walang balakid? Gagawin mo ba ang lahat kahit may mangyaring kabuktutan? Ito ang . . . Aking Layunin !