Entry #10 - KAARAWAN

188 5 6
                                    

"Pare, mauna na kami! Mag-iingat ka!" Paalam ng tatlong binata sa kaibigan nila na papalihis ng daan. Kalalabas lamang nila sa isang sikat na kasino.

Nagtungo sya sa pinakadulo't madilim na bahagi ng parking lot. Sinundan ko naman sya. Maingat akong naglakad sa likuran nya.

Ilang sandali, marahil naramdaman nya ang presensya ko mula sa kanyang likuran kaya naman lumingon sya. Hindi ko iyon inaasahan kaya mabilis naman akong nagtago sa likod ng pinakamalapit na kotse mula sa kinatatayuan ko.

Ibinaling nya ulit ang tingin sa harap nya at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating at huminto sya sa tapat ng isang kotseng Mercedes Benz ay saka na ako kumilos ng mabilis. Hinawakan ko sya sa balikat at tinutukan sya ng kutsilyo sa leeg.

"Ibigay mo sa akin ang lahat ng pera at alahas mo," sabi ko na may matinding awtoridad. Ramdam ko ang panginginig sa katawan nya nang marahan nyang inihilig ang leeg nya sa kabilang direksyon.

"W-wala na akong p-pera. N-naubos n-na," nanginginig na sabi nya.

Hinawakan ko nang mahigpit ang braso nya at sinugatan iyon gamit ang kutsilyong hawak ko. Napasigaw naman sya sa sakit.

"Ibigay mo na kung gusto mo pang mabuhay," pagbabanta ko.

"N-nagsasabi ako ng totoo. W-wala na akong p-pera!" Nangangatal at pasigaw na sambit nya nang sugatan ko ang kaliwang bahagi ng pisngi nya.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nainis na ako. Napakadamot ng isang 'to. Marahil ay ayaw nya nang mabuhay. Oo, tama. Ayaw nya nang mabuhay pa.

"T-TAMA NA! M-MAAWA KA!" Malakas na sigaw ng lalaking hindi ko kilala. Buong lakas syang lumalaban sa pagkakahawak ko sa braso nya habang patuloy ang pagpapaulan ko ng saksak sa tagiliran at likod nya.

Hindi nagtagal ay nagkahandusay na sya sa malamig na sahig. Mabilis kong kinuha ang telepono, alahas, pitaka at susi ng kotse nya.

Binuksan ko ang kotse nya at kinuha ang lahat ng mapapakinabangan. Hindi ko na pinag-interesan pang tangayin ang sasakyan dahil alam kong madali akong mahuhuli kung sakaling hanapin ako ng mga pulis.

Nakuha ko na ang gusto ko kaya't hindi ko na rin pinatay ang lalaking ito, tama na ang tingin ko'y ilang linggong pagkakaratay sa ospital. Walang problema sa akin 'yon kasi hindi nya naman nakita ang mukha ko dahil sa dilim dito.

Halos isang dekada nang ganito ang gawain ko sa araw-araw. Wala kasi akong mahanap na trabaho dahil hindi ako nakatapos ng pag-aaral. Mula noong bata pa ako ay basagulero na ako kaya't hindi na ako pinag-aral pa ng mga magulang ko. Kung may mahanap man akong trabaho ay agad din akong natatanggal dahil sa napakamainitin ang ulo ko't madalas talaga akong mapaaway.

Dito sa gawaing ito ako nabubuhay. Sapat na sa akin ang makakain ng tatlong beses sa isang araw at makabayad sa mura't maliit na bahay na inuupahan ko ngayon.

~~~~~

Nakatayo ako sa pinakamadilim na sulok ng pinakasikat na mall dito sa siyudad, naghihintay ng taong mapapadaan upang biktimahin. Naghihintay sa taong nagpalampas ng ilang araw at nagpasyang ngayon gawin ang kanyang pamimili para sa isa sa pinaka-aabangang araw ng lahat, ang bagong taon.

Malapit nang maghating gabi at pansin ko mula sa kinatatayuan ko ang iilang establisyimento sa hindi kalayuan na hanggang ngayon ay nakabukas pa at ilang hating gabing pamilihan sa di kalayuan na talagang dinarayo sa ganitong araw ng taon.

Ang lamig ng hangin ngayon ay kakaiba, tumatagos sa suot kong makapal na panlamig at nanunuot sa maputla kong balat. Ang mga paa ko naman ay basa at naninigas na't nakatapak sa nagyeyelo sa lamig na sahig suot ang luma't butas na sapatos.

Aking Layunin (A Mystery Thriller Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon