SA pagpasok ng bagong taon ay wala na akong mahihiling pa. Kasabay ng maingay na putukan sa labas ang malakas na kabog sa dibdib ko. Ganito ako parati tuwing kasama ko siya.
"Mon," bati ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang pisngi pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay na tinitirhan ko.
Nginitian niya ako at ginantihan din ng halik. Agad naman akong namula. "Manigong bagong taon, mahal ko."
Ikinabit ko sa kaniya ang braso ko at kinayag na siya papuntang kusina, papunta sa inihanda ko para sa aming dalawa.
Nang patungo kami roon ay nadaan kami sa isang maliit na salamin na ginamit ko kanina habang nag-aayos.
Mag-isa akong nasa repleksyon at nakabitin sa ere ang braso kong nakapulupot kay Ramon, ang aking kasintahan. Nanlaki ang mga mata ko.
Nang makarating kami sa kusina ay ipiniksi ko sa isip ko ang aking nakita. Ano ba 'yon? Baka nagha-hallucinate lang ako.
Ipinag-ayos ako ng upuan ni Mon bago siya dumako sa upuan niya. Hindi ko naman maiwasang kiliging muli.
Parang kailan lang ay pinapangarap ko lamang ito- ang makasalo ko ang taong mahal ko sa hapag. At heto na nga.
Dalawang taon na ang nakalilipas ay kami-kaming magkakabarkada lang ang nagdiwang ng bagong taon sa isang beach resort. Gumawa kami noon ng new year's resolution isang tulad ng nakasanayan namin, parang tradisyon na para sa amin, kumbaga.
Karamihan sa mga kabarkada ko ay nagsulat tungkol sa pagpapapayat, pag-iipon ng pera, at iba pang pangakong laging napapako taon-taon.
Noong nalaman nila kung ano naman ang isinulat ko ay malutong na mga tawa ang lang ang natanggap ko.
Palibhasa, lahat sila ay may boyfriend na noon at ako lang ang wala!
Ang inilagay ko lang naman sa aking new year's resolution ay ang pagkakaroon ng boyfriend sa pagpasok ng bagong taon.
Mahirap mang aminin pero sa dalawampu't apat na taon kong pamumuhay rito sa mundo ay nunca pa akong nagkaka-boyfriend.
Hindi ko pa nararanasan ang magmahal at mahalin.
Kaya't ang plano at pangako ko noon ay ang pagbabago mula sa pagiging single patungo sa pagiging "ready to mingle".
At nang gabi nga ng New Year ko nitong nakaraang taon ay nabakante na ang aking new year's resolution dahil natupad na.
Nakilala ko siya. Si Ramon, ang lalaking katuparan ng new year's resolution ko- ang lalaking mahal ko at mahal ako-sa beach resort na pinunantahan namin.
Tandang-tanda ko pa ang una naming pagkikita. Sa dalampasigan ng dagat, alas tres ng madaling araw, ay nilapitan niya ako habang siya ay tulala. Natakot pa ako sa kaniya nang bahagya. Hindi kami nag-usap nang oras na 'yon hanggang maghiwalay na kami ng landas at magkitang muli kinabukasan.
Hindi niya ako natandaan. Hindi niya natandaan na nagkita kami noong madaling araw.
Inisip ko na lang na marahil ay antok na antok lang siya no'n o 'di kaya, tulad ng inamin niya sa akin, ay lasing lang siya.
Hindi naglaon at nagkalagayan agad kami ng loob. Marami kaming bagay na pagkakatulad at magkalapit lang ang aming tahanan sa lungsod.
At ngayon nga ay kami na. Sa mismong araw na ito, bagong taon ng nakaraang taon, ang aming anibersaryo.
"Barbara?" Nabalik ako sa realidad nang tawagin ni Mon ang pangalan ko. Ang sarap lang sa pandinig!
"B-bakit?"
BINABASA MO ANG
Aking Layunin (A Mystery Thriller Stories)
Mystery / ThrillerMayroon ka bang nais mabago sa iyong buhay ngayong taon? Gusto mo ba itong magawa na walang balakid? Gagawin mo ba ang lahat kahit may mangyaring kabuktutan? Ito ang . . . Aking Layunin !