Napabangon ako sa mismong pagsara ng pinto. Alas dies y media na nggabi. Matapos may tumawag, nagmamadaling umalis na naman ang asawa kong si Randyl. Na sa palagay ko ay ang Kapitan na naman nila ang tumawag. Panay kasi ang tawag ng naka rehistrong 'Captain' sa cellphone nito. Simula ng bumaba siya sinasakyang barko, napapansin ko na alis siya nang alis. Balisa siya o may malalim na iniisip matapos sagutin ang tawag . Akala'y tulog na ako kaya 'di man lang nagpaalam sa akin. Narinig ko pa ang magharurot ng sasakyan.
Noong una ay hindi ko alintana kasi alam ko tuwing uuwi siya ng Pilipinas ay 'di maiwasang lumabas kasamaang mga kaibigan, dating kasama sa barko na bumaba na rin at mga kaklase noon. Kung tiwala lang ang pagbabasehan, ay sobra-sobra ang binibigay ko dahil mahal ko siya at ramdam kong ganoon rin siya sa'kin.
Ngunit iba ngayon, nararamdaman ko.
Isa pang pinagtataka ko kung bakit biglaan ang kanyang pag-uwi. May anim na buwan pa siyang kontrata sa barko bago makauwi. Pero kahit ganoon paman, sobra akong natutuwa dahil sa wakas ngayon Bagong Taon ay magkakasama na rin namin siya ng anak namin. Tatlong taon rin ang lumipas na hindi namin siya nakakasama sa Pasko, Bagong Taon o kahit anong okasyon. Pinagbubuntis ko pa lang ang anak namin nang sumakay siya ng barko. Kahit noong ikasal kami ay hindi kami nagsama ng matagal. Tatlong araw mula noong kasal ay umalis siya kinabukasan upang sumakay ng barko. Walong taon na kaming kasal, ngunit bilang lang ang taong pagsasama namin dahil sa trabahong meron siya.
Napatigil ako sa pag-iisip. Matapos ang isang oras at mahigit, dumating rin ito sa wakas. Inabangan ko siyang pumasok. Medyo pa suray-suray nang maglakad. Amoy alak. Sinilip ko ang oras, ilang minuto na lang ay mag-a-Alas dose y media na.
"Mahal, nagising ba kita? Patawad," sabi pa nito. Hindi ko alam alin ang inihingi niya ng tawad kasi iba ang pakiramdam ko. Humilik kaagad nang maibagsak sa higaan.
Ilang minuto lang ay may tumawag sa cellphone niya. Kinuha ko 'to sa bulsa niya. Kumakabog ang dibdib ko sa hindi alam na kadahilanan. 'Captain' ang nakarehistrong numero nang tumatawag.
Atubili ako nang una kung sasagutan ko ba. Pinindot ko pa rin sa huli. Baka importante. Sinilip ko ang oras, Ala Una na. Nagtataka rin ako sa dalas ng pagtawag nito kaya panahon na rin nang malaman ko.
"Mr. Olivar," sabi ng lalaking nasa kabilang linya.
"Sir Misis ito ni Mr. Olivar. Tulog na po kasi siya at nakainom kanina. Ano po ba ang kailangan nila at ako na lang ang magsasabi Pag nagising siya?"
"Ahh Misis, si Inspektor Jusho ito. Gusto ko lang po sabihing patay na si Ms. Rea Tolentino, at ang asawa niyo ang pangunahing suspek sa pagpatay."
Napatakip ako sa bibig. Nahindik sa narinig. Marami tanong agad ang tumatakbo sa isip ko. Napatingin ako kay Randyl na mahimbing na natutulog. Nanginginig ang kamay ko't hinigpitan ang hawak sa cellphone.
"Si-sigurado ba kayo!?" Hindi ko napigilang magtaas ng tono.
"Opo Misis, andito kami sa labas ng bahay niyo. Maaari niyo po ba kaming pagbuksan?"
Dali-dali kong tinungo ang sala at binuksan ang pinto.
"Inspektor Ben Jusho." Bungad agad ng inspektor nang pagbuksan niya.
Mayroon pa itong ibang kasamang pulis.
"May Warrant of Arrest kami para sa asawa niyo. Iniimbitahan namin siya sa presinto upang magpaliwanag."
"Pero teka hindi ko maiintindihan, papaanong naging suspect ang asawa ko?"
"Siya po ang huling kasama at huling tinawagan ng dalaga. Telepono po ni Miss Tolentino ang ginamit ko kanina para tawagan ang Mister n'yo."
BINABASA MO ANG
Aking Layunin (A Mystery Thriller Stories)
Mystery / ThrillerMayroon ka bang nais mabago sa iyong buhay ngayong taon? Gusto mo ba itong magawa na walang balakid? Gagawin mo ba ang lahat kahit may mangyaring kabuktutan? Ito ang . . . Aking Layunin !