Entry #1- RESOLUSYON

531 15 41
                                    



"O, anu na Mj. Anu ang new year resulution mo ngayong taon?" ang kanina pang pangungulit saken ng matalik kong kaibigan na si Pauline.

"A-e... A-anu haha. W-wala mag-aral, yun tama mag-aral" mautal-utal kong sagot sa kanya at palihim akong tumingin sa lalaking kaharap ko. Nais ko sana sabihin na ang layunin ko ngayong taon ay mapalapit sa taong gusto ko.

Agad akong napayuko ng tumingin ito saken. Naku! Nakakahiya.

Ngayon kasi ay katatapos lamang ng bagong taon, kasabay din 'nun ang pasukan nameng mga sekondarya. Dahil sa wala pa namang masyadong ginagawa ay napagdisisyunan ng barkadang magkwentuhan tutal naman ay wala pang magaganap na klase.

"Ikaw naman Jhon Paulo, anung sayo?" napalingon ako ng dis-oras ng tanungin ni Pauline si Paulo kung anung newyear resulution nito. Nakisali lamang naman ito sa usapan namen . Ang sa totoo nya'y puro kami mga babae kanina ditong nag-uusap. Ako, si Bea, Roxan at Pauline ng bigla na lamang nakisingit ang lalaking ito na sasali daw sa usapan namen.

"A, alisin ang mga sagabal at magkaroon ng syota ngayong taon " tila naman tiwalang tugon nya sa tanong ni Pauline na syang ikinatingin ko sa kanya at nakita kong pasimple itong nakititig saken at may paskil na malaking ngiti sa kanyang mukha.

Pakiramdam ko ay namumula ako sa hinayag nya kanina at nararamdaman ko ang tila kakaibang pintig ng puso ko. Gusto kong makawala sa ganitong pakiramdam kaya agad kong ibinaling ang pansin kay Pauline. Hindi pa nagsasabi ito ng kanyang layunin ngayong taon at talagang mas inuna nya pa ang sa amin.

"Ikaw Pauline anu ba ang layunin mo ngayong taon?" tanong ko sa kanya at nakita ko na naman ang kakaiba nyang ngiti.

"Ngayon, Anu nga ba" ang tila nag-iisip nyang sagot at sinabayan pa ng paghawak sa kanyang baba habang hinihimas. "Ngayon... Aalisin ko ang mga taong nagpapapansin sa taong malapit saken hahahaha at sisimulan ko na ito ngayong buwan. Di biro lang" sa pagkakahayag niyang iyon ay tila kinabahan ako. Sa tono kasi ng pananalita nya ay may balak sya na hindi mo maintindihan sabayan pa ng tingin nyang makahulugan kay Paulo at sa mga kaibigan namen, maging saken.

Umalingawngaw ang katahimikan sa amin. Tila hindi makapaniwala saming narinig.

"Hoy! Anu ba biro lang. Sa ngayon kasi hindi ko pa.alaman ang layunin ko. Todo naman kayong kabahan." agad nyang sinabi samin, siguro'y naramdaman nya ang tensyong nagaganap.

Alam kong nagbibiro lang sya sa sinabi nya pero hindi ko maiwasang hindi kabahan. Matagal ko ng alam na malapit sila kay Paulo pati ang mga kaibigan ko. Sinu ba namang hindi, sobrang bait at maalaga ng tao kaya hindi ko sila masisisi, kahit man ako ay may munting lihim din.

Ilang oras din ang namalagi bago may dumating na guro. Hindi ko na lang inalala ang mga pahayag na iyon ni Pauline. Malabo nyang gawin iyon dahil kilala ko sya, isa syang napakabait na tao.

----

Sa paglipas ng araw matapos ang pag-uusap naming iyon ay naging normal na ang pagpasok ng lahat. Binalewala na lang namen ang mga pag-uusap na naganap dahil kami at kami lang din naman ang gagawa 'nun. Nakapagtataka lang nitong mga nakaraang araw ay parang tumatahimik si Pauline, laging liban sa klase si Roxan at ang dahilan ay may sakit daw-iyon ang sinabi ni Bea.

Umaga ngayon at abala ako sa pagsusulat ng naiwan kong takdang-aralin kaya hindi ko nasagutan sa bahay ng pumasok si Roxan na tila walang tulog dahil sa malaki nitong itim sa paligid na mata, maging ang labi ay.mapuputla. Hindi maayos ang pagkakasuklay ng buhok at parang lutang. Sinalubong ko sya ng ngiti ngunit para itong nakakita ng multo kasabay nun ang dali-dali nyang takbo palabas ng silid. Anung nangyari dun. Balak ko sana syang sundan ngunit natigil ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

Aking Layunin (A Mystery Thriller Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon