The Truth

1 0 0
                                    

            Academy for Lymphians
            chapter 4: The Truth

"Tita!" Tawag ko sa kanya. pero hindi nya ako narinig kaya mas lumapit ako sa kanya para marinig nya ako.

"Tita!" sabi ko habang hinakalikan sya sa pisngi.

"oh andito ka na pala." Sabi nya habang naka ngiti.

"Tita may sasabihin po ako sa inyo."

"hmm? ano yun?" Sabi nya habang nag babasa parin ng libro. Pano ko ba sasabihin to, ayokong saktan si Tita, pero walang akong choice..

Binaba ni Tita ang librong binabasa nya at humarap sakin.

"Sam? ano yung sasabihin mo?" Seryosong sabi nya.. huminga ako ng malalim at pumikit..

"gusto ko pong pumasok sa Acafolym." pigil hininga kong sabi. hindi ko makita ang reaksyon nya dahil nakapikit ako, pero wala akong narinig. ibig sabihin nagulat sya, ibig sabihin alam nya kung ano ang Acafolym,.

"Sam may niluto akong spaghetti kanina, favourite mo yun. kumain ka na!" Sabi ni Tita, minulat ko kaagad ang mata ko, at nakita ko syang nakangiti sakin. bakit ang pula ng mata nya? umiyak ba sya?

Tumayo sya at pumunta sa kusina,
Sinundan ko naman agad sya.

"Tita, alam kong alam nyo kong ano ako, kung sino ako, kung san ako nanggaling. pero ni simpleng salita wala po kayong sinabi sakin tungkol sa pagkatao ko. at tita naiintindihan ko po kayo..
.. pero tita, kahit ngayon lang. intindihin nyo po ako.." sabi ko habang sinusundan sya.,
Bigla syang huminto at humarap sakin, nagulat ako sa nakita kong luha mula sa mata nya..
God tita, ayokong saktan ka!

"Iiwan mo rin ako?"
Biglang nanlambot ang katawan ko nang marinig ko yung sinabi nya,
nasasaktan ako para kay tita, naiintindihan ko sya, kung iiwan ko sya, wala na syang kasama dito.. ayokong mag isa sya'.

"yung mommy mo, iniwan nya ako, pati ba naman ikaw?" sabi nya habang umiiyak parin..
Si mommy? nandun si mommy?

"Tita nandun po si mommy? buhay pa po sya?" Tanong ko sa kanya. umiling sya habang pinapahiran ang luha nya'.

"you're mom,.." sabi nya habang pinipigilan ang pag iyak.

"you're mom was beautiful, she was so beautiful.. she was my bestfriend, and im sorry kung hindi ko sinabi sayo yung totoo.." napatigil ako sa narinig ko at sya ring pag agos ng luha ko,. hindi nya kapatid si mama? hindi ko sya tunay na tita?..
Dahil wala rin naman akong masabi nakinig nalang ako sa kanya.

"like you she was different. una natakot ako sa kanya, pero dahil lagi nya akong pinagtatanggol at pinoprotektahan, naging magkaibigan kami. sya lang yung kasama ko lagi. Hanggang sa nag high school kami, sya parin yung kasama ko.. isang araw pagtungtong nya ng 16 katulad mo. kinuha rin sya sakin. sabi nya doon na raw sya mag aaral sa Acafolym,. Kahit na ayaw ko, ginawa nya parin.. galit na galit ako sa kanya nun... pero after 10 years bumalik sya, kasama ka.. nag mamadali sya nung araw nayun., dalawang taon ka palang nun. binigay ka nya sakin at sabi nya alagaan daw kita, mas nagalit ako sa kanya kasi hindi man lang nya sinabing na miss nya ako, mawawala sya tapos pag balik nya may dala syang bata at ibibigay nya sakin?..  humingi sya ng tawad sakin. hindi ko tinanggap ang tawad nya, pati narin ikaw..
.. hanggang sa may dumating na isang lalaki at... at.. binaril ang mama mo...  "
tumigil sya sa pagsasalita at pinahiran ang luha ko,

"inampon kita, at inarugang parang tunay na anak. hindi na ako nag asawa..
..it was you're 5th birthday, kumakain ka noon sa lamesa, nahulog yung kutsara mo.. nakita kong tiningnan mo yun at bigla nalang lumipad.. dun ko nalaman na may kakayahan karin tulad ng mama mo."

"eh si mama? ano yung special ability nya?" tanong ko.

"shield ability.. yun ang ginamit nya para protektahan ako at ikaw."

ngayon malinaw na sakin ang lahat. na hindi ko totoong tita si Tita jane.
at nagpapasalamat narin ako kay mama dahil iniwan nya ako sa napakabait nyang bestfriend..

"Sam.. sorry kung naging selfish ako, hindi ko sinabi sayo ang totoo. at sorry kasi dahil sakin kaya ka naguguluhan. kung sinabi ko lang sayo..." sabi nya habang umiiyak.

"hindi  tita, thank you po kasi nandyan po kayo lagi sakin. at yung hindi nyo pagsabi sakin.. naiintindihan ko po yun. "
.kahit na hindi ko sya kadugo, i treat as my real mom,. at dahil sa sinabi nya mas gusto kung pumasok sa school. baka may pamilya ako dun.

"Tita, gusto ko pong pumasok sa school na yun!'". sabi ko, napatingin naman si tita sakin.

"of course..." malungkot nyang sabi habang tumango tango. i can feel her sadness.

THANKS FOR READING!!
VOTE AND COMMENT :-):-)


Academy for LymphiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon